Thursday, October 3, 2019

Tagalog News: Palawan Security Summit planong isagawa

From the Philippine Information Agency (Oct 3, 2019): Tagalog News: Palawan Security Summit planong isagawa


Inihayag ni Western Command (WESCOM) Commander Vice Admiral Rene V. Medina sa press conference kamakailan ang planong pagsasagawa ng isang security summit upang matalakay ang 'security status' ng Palawan. (Larawan ni Orlan C. Jabagat)

PUERTO PRINCESA, Palawan -- Inihayag ni Western Command (WESCOM) Vice Admiral Rene V. Medina ang pagsasagawa ng Palawan Security Summit sa susunod na mga linggo.

Matapos mabuo ang Palawan Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) ay napapanahon na upang isagawa ang ‘security summit’ ayon kay ComWesCom Medina.

Ani VAdm. Medina, makikipag-ugayan siya sa Local Task Force-ELCAC upang ilatag ang mga programa sa gaganaping security summit.


Layon din aniya ng summit na talakayin at ipaalam o ipakita sa mamamayan ang mga sektor na nagagamit ng mga makakaliwang grupo sa kanilang armadong pakikibaka, sapagkat maaaring hindi aniya alam ng mga sektor na ito na napapasok na sila ng kabila (makakaliwang grupo).

Ang Bayan ng Taytay at Coron maging ang Puerto Princesa ay nakasama sa listahan ng Wescom bilang mga lugar na nasa ‘white area’ o mga lugar na may mga organisadong grupo kung saan dito nagmumula ang suporta ng mga makakaliwang grupo na nasa ‘red area’ o itong mga nagsasagawa ng armadong pakikibaka.

“Ang security status sa Palawan ay iba kumpara sa ibang bahagi ng bansa. Hindi ito kagaya ng sa ibang bahagi ng southern Luzon, mostly, dito sa Palawan ang interes ng CTG dito ay more on financing, rest and recreation kasama na ang extortion”, pahayag pa ni ComWesCom Medina.

“There are many sector in Puerto Princesa na binabantayan natin isa dito ‘yong student sector, isa lang yan at marami pang sector na talagang alam namin na pinapasukan na nila (makakaliwang grupo), so binabantayan talaga ito dahil alam namin kung paano talaga sila nakikiusap sa mga ito’, dagdag pa ni ComWesCom Medina.

Sa press conference kahapon sinabi naman ni Atty. Jose Teodoro S. Matta, Provincial Legal Officer at representante ni Gov. Jose Ch. Alvarez sa PTF-ELCAC na ang kalagayang pangseguridad ng lalawigan ay hindi lamang obligasyon ng mga military kundi maging ng lahat ng mamamayan. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

https://pia.gov.ph/news/articles/1028184

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.