Monday, October 28, 2019

Ayuda para sa mga dating rebelde sa Rehiyon 12 umabot na ng P7.3 M

From the Philippine Information Agency (Oct 28, 2019): Ayuda para sa mga dating rebelde sa Rehiyon 12 umabot na ng P7.3 M


(FILE PHOTO) Ilang mga dating rebelde habang tinatanggap ang tseke mula sa mga opisyal ng DILG at AFP sa isang seremonya sa kapitolyo ng Sultan Kudarat. 

Umabot na ng halos P7.3 milyon ang tulong pinansyal na naibigay ng pamahalaan sa mga dating New Peoples Army (NPA) na nagbalik-loob sa pamahalaan, ayon sa ulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) XII.

Sa pulong ang Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) noong Biyernes, Oktubre 25, inilahad ni DILG XII regional director Josephine Leysa na batay sa kanilang pinakahuling datos, nitong Oktubre 22 umabot na sa P7,288,000 ang halaga ng ayudang kanilang naipamahagi sa mga former rebels sa SOCCSKSARGEN Region.

Dagdag pa ni Director Leysa, batay sa kanilang monitoring, sa SOCCSKSARGEN Region, mayroon nang 159 na mga dating rebelde ang sumailalim sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Sa nasabing bilang, 114 na ang nabigyan ng kompletong ayuda sa ilalim ng E-CLIP. Samantala, pinoproseso na rin ang tulong para sa nalalabing 45 na mga dating rebelde.

Bukod dito, nakapagbigay na rin ang DILG sa pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato, North Cotabato, Sultan Kudarat at Sarangani para sa pagpapatayo ng kani-kanilang halfway house na pansamantalang tuluyan ng mga sumurender na mga miyembro ng makakaliwang grupo habang hinahanda ang kanilang paglahok sa E_CLIP at habang hinahansa sila sa kanilang tuluyang pagbalik sa lipunan.

Sa ngayon nagpapatuloy ang panghihikayat ng mga opisyal ang pamahalaan at mga otoridad sa mga rebeldeng NPA na bumaba na at magbalik-loob sa pamahalaan batay sa pinalakas na kampanya laban sa makakaliwang grupo alinsunod sa Executive Order No. 70 ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang E-CLIP ay programa ng gobyerno na naglalayong matulungan ang mga dating rebelde at mga Militia ng Bayan na nagnanais makabalik sa lipunan.

Kabilang sa mga ayudang matatanggap ng isang former rebel ay P15,000 immediate assistance, P50,000 na tulong pangkabuhayan, reintegration assistance na P21,000, at firearm remuneration.

Bukod pa ito safety and security guarantee ng PNP at AFP, PhilHealth, skills at livelihood training at marami pang iba. (DED)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.