LUNGSOD NG BUTUAN, Agosto 14 (PIA) -- Nagpahayag ng suporta ang Sangguniang Kabataan (SK) chairpersons at SK Federation sa Caraga region sa mga programa at adbokasiya ng pamahalaan laban sa teroristang grupong Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Kasabay ng isinagawang pagtitipon ng mga kabataan at ibat-ibang sektor ng rehiyon sa selebrasyon ng International Youth Day (IYD), binigyang-diin ng mga kalahok ang kanilang mga magagawa sa lipunan bilang kabataan na pag-asa ng bayan, at ang malaking responsibilidad din nito sa pagtugon sa mga problema ng bansa kabilang na ang insurgency.
Sa temang “Transforming Education,” isinusulong ng SK Federations ang pagbibigay-halaga sa pagkakaroon ng dekalidad na edukasyon.
Gagamitin din ng mga kabataan ang kanilang galing sa mabuting paraan, at hindi magpapadala sa pang-rerecruit ng makakaliwang grupo sa mga paaralan at lumaban sa gobyerno.
Hinimok si Stephanie Dawn Salise, Acting Vice President ng Butuan SK Federation sa ibang kabataan ng rehiyon na sumuporta sa gobyerno. “Nananawagan ako sa iba pang kabataan na huwag mag-revolt laban sa gobyerno dahil para naman sa kapakanan ng lahat ang kanilang ginagawa sa bayan,” sabi niya.
“Sa aming barangay, marami kaming ginagawang aktibidad para sa mga kabataan para sila’y malayo sa mga masasamang gawain ng mga makakaliwang grupo,” sabi ni Christian Mendoza, SK Chair ng Barangay Limaha, Butuan City.
Ayon naman kay Julius Gutierrez, Executive Director ng National Youth Commission NYC), mandato ng kanilang ahensiya na tulungan ang mga kabataan na sila ay maging proactive, at mabigyan ng malaking oportunidad na aktibong makalahok sa aktibidad ng gobyerno sa civic and public affairs.
“Ngayon nagsisimula po kaming humiling sa kanila, kumatok sa puso nila na sila po’y lumapit sa aming ahensiya. May website naman kami, may facebook page. Hindi kasi ganun kalaki yung ahensiya namin, but then again, lumalaki lang yung puso namin once marami kaming natutulungan at maraming nakakakilala anong mga programa para sa mga kabataan. At andito lang kami, yung mga ate’t kuya ninyo na nananawagan na lumahok kayo para naman po masali kayo at maging parte sa proseso para sa mga kabataan,” sabi ni Gutierrez.
Ito ay bilang parte rin sa pagpapatupad ng Executive Order no. 70 o whole-of-nation approach sa pagsugpo ng insurhensiya sa bansa. (JPG/PIA-Caraga)
https://pia.gov.ph/news/articles/1025927

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.