Wednesday, August 14, 2019

AFP-CRS: Actor Nash Aguas - Saludo po kami sa inyo! (We salute you!)

Posted to the Armed Forces of the Philippines-Civil Relations Service (AFP-CRS) Facebook Page (Aug 14, 2019): Actor Nash Aguas - Saludo po kami sa inyo! (We salute you!)

Image may contain: 1 person, text

MAHIRAP is an understatement to describe the training both physically and mentally. Physically mahirap dahil sa mga physical training tulad ng mag rappel ka sa 40ft tower, mag marcha ka sa bundok ng may 15kg na bag plus rifle, patrolling (simulation ng engkwentro sa kalaban) etc. Ang pinaka pahinga mo yung Mase-mase (military exercise) at tusok ulo. Mentally mahirap dahil swerte ka na pag may dalawang oras na tulog ka, matutulog ka sa putik habang umuulan, paparusahan ka kahit wala kang kasalanan, nung nilagnat ako ang sagot Mase-mase, kumakain kami ng sampung bilang ng nakadapa, tapos nung nahulog yung pagkain ko sa putik pinakain sakin yun. FIRST NIGHT mag quit na talaga ako to the point na tumakas ako para makatulog sa may bubong at makatawag sa bahay namin na sunduin na nila ako. Sa isip ko, “bakit ba ako nag volunteer?” hindi naman ako masel masel para kayanin lahat ng matitinding physical activities. Kapag tinuloy ko papatayin ko lang sarili ko.

Pero kinausap ako nila Sergeant, na itong “MAHIRAP” na ginawa namin, ito yung “NORMAL” na buhay ng sundalo natin.

Pag ikaw, nasa giyera, limited pagkain mo nalaglag yung sayo, aarte ka at magpapakagutom? Pag pinutukan ka ng kalaban kailangan mo dumapa eh ang natapat sayo tae ng kalabaw, magpapabaril ka kasi kadiri? Kaya lagi nila sinasabi sakin “Positive thinking” lagi. Seeing the good in every shitty situation you are in (minsan literal). Ang main point ng training is tatanggalin nila lahat ng civilian ways mo, pride, kaartehan, ego etc. tapos ibi-build ka nila to be a better person. Dahil dun at dahil na rin sa mga nakakwentuhang kong sundalo na kasama namin sa klase, na nagkwento ng kani-kanilang buhay, KINAYA ko. Wala pa po sa kalingkingan ang ginawa namin pero napaka laki po nang naging epekto nito sa buhay namin. Habang buhay ko po babaunin lahat ng aral na itinuro samin ng ating mga sundalo. Hindi po kaming mga artista ang dapat may fans, hindi po kami dapat iniidolo, kayo pong mga sundalo ang tunay na idol dahil sa panahon ngayon tayo mismong mga pilipino nag aaway away naghihilahan pababa,kayong mga sundalo ang may nag aalab na pagmamahal sa mga pilipino at sa ating bansa. Saludo po kami sa inyo. - NashAguas


No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.