Wednesday, August 14, 2019

AFP-CRS: Recruitment ng NPA sa North Cotabato, tuloy pa rin

Posted to the Armed Forces of the Philippines-Civil Relations Service (AFP-CRS) Facebook Page (Aug 14, 2019): Recruitment ng NPA sa North Cotabato, tuloy pa rin

No photo description available.

CENTRAL MINDANAO – Kinumpirma ng mga sundalo ang recruitment activity ng New People’s Army (NPA) sa probinsya ng Cotabato.

Ito ang sinabi ni 72nd Infantry Battalion Philippine Army commanding officer Lt. Col Rey Alvarado na nakabase sa Magpet North Cotabato.

Karamihan daw sa mga nire-recruit ng NPA ay mga katutubo sa mga bayan ng Arakan, Magpet, President Roxas, Makilala at Antipas, Cotabato.

Pinalalakas ngayon ng 72nd IB ang community support program upang hindi na umanib sa mga NPA ang mga kabataan lalo na sa IP community.

Dagdag ni Alvarado na pawang kasinungalingan ang mga pangako ng mga NPA at niloloko lamang ang mga katutubo dahil kulang sa pinag-aralan.

Nananawagan ang opisyal sa mga NPA na sumuko dahil handa ang gobyerno na sila’y tulungan at magbagong buhay.


No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.