From the Philippine Information Agency (Jul 22, 2019): Tagalog News: Mga ahensya ng gobyerno, nagpulong para sa pagsugpo sa insurgency
PAGADIAN CITY - - Nagpulong-pulong kamakailan sa Pagadian City ang mga member-agencies ng Regional Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster (RPRLEC) na pinangungunahan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), upang seryosong pag usapan ang mga gagawing tulong para sa mga rebel returnees, IPs at mga mahihirap sa mga liblib na lugar na kalimitan ay target ng insurgency.
Layunin ng RPRLEC ang poverty reduction, paggawa ng oportunidad sa trabaho; food security at patatagin o e-empower ang mga komunidad. Napagkasunduan ng naturang cluster na magkaroon ng isang pilot area ang bawat probinsya na magsisilbing model village bago matapos ang taong 2019.
Base sa rekomendasyon ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), napili ng naturang grupo ang barangay Titik, Leon Postigo sa Zamboanga del Norte at Guinoman, Diplahan, Zamboanga Sibugay bilang priority insurgency-prone areas, samantalang pag-uusapan pa kung aling lugar sa Zamboanga del Sur ang magiging pilot area.
Tiniyak ng naturang cluster na babaha ang tulong at serbisyo ng gobyerno sa maa-identify na pilot area, upang matiyak na hindi mahihikayat sa pagsapi sa anumang komunistang grupo ang mga naninirahan dito, lalong-lalo na ang mga kabataan.
Ang RPRLEC ay isa sa labindalawang cluster ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na binuo ng administrasyong Duterte sa ilalim na EO 70 upang sugpuin ang insurgency sa bansa. (ALT/JPA-PIA9/Zamboanga del Sur)
https://pia.gov.ph/news/articles/1024899
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.