LUNGSOD NG BUTUAN - Dahil sa kanilang determinasyon na mas mapaigting pa ang kampanya ng gobyerno laban kaguluhan at karagasan dulot ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa rehiyon ng Caraga, nagsasanay nang mabuti ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Army (PA) sa pagbuo ng Information, Education and Communication (IEC) materials at pagbahagi nito sa social media.
Ito ay para maipaabot sa publiko ang mga tamang impormasyon at labanan ang mga kasinungalingan ng teroristang grupo.
Sa isinagawang Journalism Training ng Philippine Information Agency (PIA) Caraga sa mga kawani ng 402nd Brigade, PA at PNP Caraga regional office 13 sa lungsod ng Butuan, ipinamalas nila ang kanilang abilidad at pagiging malikhain sa pagbuo ng konsepto at mensahe para sa infographics at social media cards na kanilang ibabahagi sa netizens.
Para kay 1Lt. Wilfredo Quilang, commanding officer ng Bravo Company, 30th Infantry Battalion, PA na isa sa mga partisipante, mas lumawak ang kanyang kaalaman sa pagawa ng balita, feature news, infographics at social media cards bilang sandata sa online laban terorismo.

Ayon naman kay Police Corporal Laarni Mabilog ng Butuan City Police Office, tumaas ang kanilang morale sa isinagawang pagsasanay dahil marami siyang natuklasang bagong techniques sa pagawa ng IEC materials na magagamit ng kanilang ahensiya sa kanilang ibat-ibang programa at kampanya.
Pinuri naman ni 402nd Brigade Commander Col. Maurito Licudine ang lahat ng partisipante at hinimok na maging aktibo sa pagamit ng kanilang natutunan, at mas maging epektibo sa kanilang komunikasyon o pakikisalamuha at coordinasyon sa ibat-ibang sektor ng komunidad.
Samantala, binigyang-diin din ni PIA Caraga regional director Abner Caga na isa itong mabisang paraan upang ma-counter ang mga propaganda at panlilinlang ng teroristang CPP-NPA. Malaking tulong din ito sa pagpapalaganap ng Executive Order 70 o whole-of-nation approach sa pagsugpo ng insurgency sa rehiyon. (JPG/PIA-Caraga)
https://pia.gov.ph/news/articles/1024892
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.