Larawang kuha ni Leila B. Dagot/PIA-Palawan Regular na pagpupulong ng Puerto Princesa City Peace and Order Council (PPCPOC) na pinangunahan ni Mayor Lucilo Bayron bilang tagapanguna. (LBD/PIAMIMAROPA/Palawan)
PUERTO PRINCESA, Palawan --- Inihahanda na ng bumubuo ng Puerto Princesa City Peace and Order Council (PPCPOC) ang magiging rekomendasyon nito sa Sangguniang Panlungsod upang mai-deklara bilang ‘persona non grata’ ang grupong New People’s Army (NPA) sa nasasakupan ng lungsod.
Pag-aaralan ng konseho ang mga nararapat na dahilan ng deklarasyon nang naaayon sa batas, at siya namang ipapasa sa kapulungan ng mga lokal na mamababatas sa lungsod upang mapag-aralan at makagawa ng kaukulang hakbang.
Ito ay bilang pagtalima sa kahilingan ng Western Command (WesCom) sa lahat ng lokal na pamahalaan sa lalawigan at lungsod na suportahan sila sa kampanya kontra sa rebeldeng grupo na itinuturing na banta sa seguridad at kapayapaan ng komunidad.
Bilang tagapanguna sa PPCPOC, inatasan ni Mayor Lucilo Bayron ang kinatawan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na mangalap ng mga magiging batayan sa isinusulong na hakbang.
Samantala, sa lalawigan ng Palawan, mayroon nang ilang LGU ang nagdeklara ng persona non grata laban sa NPA sa pamamagitan ng mga resolusyong inaprubahan ng kani-kaniyang Sangguniang Bayan. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.