JAIME 'KA DIEGO' PADILLA
SPOKESPERSON
NPA-SOUTHERN TAGALOG (MELITO GLOR COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY
JUNE 30, 2019
Mariing kinukondena ng Melito Glor Command NPA ST ang panggigipit ng AFP-PNP sa mga kapamilya ng mga namartir na Pulang mandirigma sa Sityo Mawan, Brgy. Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro noong Hunyo 13. Isang desperadong hakbang at malinaw na paglabag sa karapatan ng mga kamag-anak na kunin ang kanilang mga kapamilya upang mabigyan ng disenteng libing. Nais ng mga mersenaryong tropa na bago ibigay ang bangkay sa kanilang mga kaanak ay pumirma muna ang pamilya ng isa sa mga martir sa kasulatan na ang kanilang kamag-anak ay yaong diumanong mataas na kumander. Pinag-iinteresan ni Brig. Gen Teofilo at ng mga upisyal ng 203rd Bde ang reward money at promosyon sukdang pekein ang identidad ng napaslang na kasama at palitawing ito ay ang mataas na upisyal ng NPA na nasa kanilang Order of Battle.
Higit na pinapatunayan ang pagiging mersenaryo at malupit ng AFP at PNP sa ginawang pag-hostage sa bangkay ng mga kasamang martir at pagkakait nito sa mga kapamilya para pasunurin sa kanilang kagustuhang pekein ang identidad ng isa sa mga martir. Bago pa ito, pinuntirya ng kanilang mga walang-tigil na operasyon ang mga katutubong Mangyan at mga magsasaka sa Sityo Mawan. Ginipit din ng mga pulis at militar ang humanitarian mission sa mga itinayong check point sa bawat bayan na dinadaan, pag-spike sa gulong ng kanilang mga sasakyan hanggang sa pagbabanta sa mga lokal na upisyales na huwag tulungan at tanggapin ang humanitarian mission. Nagtangka ang 203rd Bde na sindakin at paralisahin sa teror ang humanitaian mission katulad ng ginawa ni Palparan.
Ang panliligalig ng AFP sa mamamayan at kapamilya ng NPA ay bahagi ng kanilang imbing kampanya na “Kapanatagan” kung saan pinaigting nito ang mga atake sa mamamayan at rebolusyon upang pahinain ang lumalakas na paglaban ng rebolusyonaryong kilusan sa bansa. Gamit ang buong makinarya ng estado, ginagamit nito ang AFP-PNP upang paigtingin ang pasismo laban sa mamamayan at hawanin ang daan para sa pagtatatag ng paghaharing diktadura sa bansa ng pangkating US-Duterte.
Samantala, ang Campaign Plan Kapanatagan ay walang pinagkaiba sa mga naunang ‘Oplan’ ng mga nagdaang rehimen. Lilikhain lamang nito ang ibayong paglaban ng mamamayan upang makaalpas sa kasalukuyang krisis at karahasan ng rehimen. Patuloy na lalabanan at bibiguin ito ng mamamayan sa pamamagitan ng pagsusulong ng demokratikong rebolusyon ng bayan. Walang ibang mapupuntahan ang Campaign Plan Kapantagan at ang whole of nation strategy ng rehimen kundi sa basuran ng kasaysayan. Mananatiling isang pangangarap na gising ni Duterte ang pagkalipol ng CPP-NPA-NDFP sa ilalim ng kanyang rehimen.###
https://www.philippinerevolution.info/statement/mga-atake-ng-203rd-bde-sa-mga-mindoreno-at-kapamilya-ng-mga-martir-mariing-kinundina-2/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.