Baldomero Arcanghel
NPA-East Camarines Sur (Tomas Pilapil Command)
New People's Army
February 12, 2019
Enero 30,2019: ganap na 6:00 ng umaga nang magkasagupa ang isang yunit ng BHB ng Tomas Pilapil Command – East Cam Sur at tropa ng 83rd IBn PA sa barangay Lupi, Tinambac Camarines Sur. Sa loob ng mahigit 20 minuto labanan limang kasama at isang sibilyan ang nagbuwis ng buhay.
Isang mataas na pagpupugay ang iginagawad ng Tomas Pilapil Command – BHB East Camarines Sur kina Randy (Ka Ben) Vega, Marvin (Ka Jazz) Baao, Florante (Ka Dan) Empeňo, Johnny (Ka Mateo) Flores, at Florencio (Ka Rene) Iliw-iliw. Sila ang mga kasamang sa araw-araw na paggampan sa sinumpaang tungkulin ay hindi alintana ang pagod at hirap, at buong tatag na sinuong ang landas ng rebolusyon para maabot ang minimithing kalayaan at pangarap na kasaganaan ng uring api at mga pinagsasamantalahan. Kailanman hindi natinag ang kanilang paninindigan na itaguyod ang makauring interes ng manggawa, magsasaka, at iba pang api at pinagsasamantalahan buhay man nila ang naging kapalit. Sa gitna ng pagdadalamhati ng mga kaanak, kaibigan at mga kakilala ng mga nasawi ipinapaabot ng Tomas Pilapil Command – NPA East Cam Sur ang marubdob na pakikiramay at taas kamaong pakikiisa para sa patuloy na paglaban. Pumanaw man sila mananatili at nakaukit sa alaala ng mga kasama at masa ang kanilang ambag sa rebolusyong Pilipino. Magsisilbi itong maningning na mga tala na lagi’t laging tatanawin at magbibigay init upang pag-alabin ang rebolusyonaryong diwa at damdamin ng mga kasamang naiwan na magpapatuloy sa mga naiwan nilang gawain at tungkulin sa rebolusyon. Mapulang saludo rin ang iginagawad ng Tomas Pilapil Command sa mga upisyal at kawal ng yunit ng BHB na buong tapang at giting na lumaban sa umatakeng tropa ng 83rd IB PA.
Hindi maisasantabi ang pagkamatay ni Rowena Barobo Gabina, isang sibilyan na nasawi sa ginawang pag-atake ng tropa ng 83rd IB PA . Sa Batas at mga Alituntunin ng Kumbensyon Geneva isinasaad sa Protocol ll ang proteksyon sa mga sibilyan sa panahon ng digmaan. “Dapat pag-ibahin ang mga sibilyan at sundalo upang mapangalagan ang mga sibilyan at ang kanilang mga ari-arian. Tanging mga target na militar lamang ang maaaring maging target ng anumang operasyong militar. ” Malinaw sa nangyaring labanan na hindi isina-alang-alang at masusing pinag-aralan ng umatakeng tropa ng 83rd IB ang sitwasyon sa lugar. Pagpapakita lamang ito ng kawalan ng pagpapahalaga sa kapakanan ng mga sibilyan sa panig ng 8rd IB PA. Dagdag na naman itong paglabag at hindi pagsunod sa isinasaad sa Protocol ll ng Kumbensyong Geneva.
Nanawagan ang Tomas Pilapil Command sa mamamayan sa buong Distrito ng Partido o 4th District ng probinsya ng Camarines Sur na magkaisa, ilantad at labanan ang anumang pasistang panunupil ng mga tropa ng 83rd IB PA na may mahabang rekord ng paglabag sa karapatan ng mga sibilyan at sa kondukta ng digma.
Sa gitna ng deklarasyong “All Out War” ng rehimeng US-Duterte, mananatiling matatag at taglay ang kumpyansa ng mga yunit ng BHB sa ilalim ng Tomas Pilapil Command – East Camarines Sur na isulong ang digmang bayan tungo sa tagumpay.
Baldomero Arcanghel
PIO – Tomas Pilapil Command
https://www.philippinerevolution.info/statement/pahayag-ng-bhb-east-camarines-sur-hinggil-sa-kubkob-sa-tinambac/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.