New People's Army
Raymundo Buenafuerza
NPA-Bicol Region (Romulo Jallores Command)
February 11, 2019
Ang kubkob sa Tinambac ay hindi tagumpay ng 9th IDPA kung hindi pagpapatunay lamang ng sukdulang pagkabulok at kawalan ng respeto sa karapatang-tao at tahasang paglabag sa protokol ng digma ng mersenaryong hukbo sa ilalim ng itinataguyod na pasistang diktadura ng rehimeng US-Duterte. Noong mga nakaraang linggo, bumaha sa balita ang kaliwa’t kanang pagpaparada ng 9th IDPA sa kanilang umano ay matatagumpay na aksyong militar laban sa BHB. Ayon sa kanila, pagpasok pa lamang ng taon ay malaking bigwas na ang ininda ng BHB sa Kabikulan mula sa kanilang pinaigting na mga operasyon. Pinakatampok sa kanilang mga tinaguriang tagumpay ang kubkob sa isang yunit ng BHB sa Brgy. Lupi, Tinambac, Camarines Sur noong Enero 30. Sa labis na pagkahumaling sa kanilang hungkag na tagumpay, kagyat pa silang nagsagawa ng isang awarding ceremony kung saan ginawaran ng parangal at gantimpala ang mga elemento ng 83rd IBPA na kasabay sa operasyon.
Ngunit, tagumpay nga bang maipagmamalaki ang pagpaslang nila sa sibilyang si Rowena Gabina at ang walang awang pagpaslang sa isang pulang mandirigmang wala nang kakayahang lumaban sa naturang insidente sa Tinambac? Marapat nga bang bigyang gantimpala ang mga mamamatay-taong militar na sa halip na tumindig para sa kapakanan ng mamamayan ay siyang nangunguna sa pang-aabuso at pagpatay sa libu-libong masa kapwa sa kanayunan at kalunsuran?
Sa desperadong pagsisikap ng 9th IDPA na durugin ang rebolusyonaryong kilusan sa Kabikulan, sumasalig na lamang sila sa mga pinakabrutal at pinakamaruruming pamamaraan. Nagpapakadalubhasa sila sa pananakot, pagsampa ng mga gawa-gawang kasong kriminal, pagdukot, tortyur at pagpatay sa mga sibilyan. Sa loob ng lampas isang dekadang pananalakay ng 9th IDPA sa rehiyon, wala itong ibang maipagmamalaking tagumpay kung hindi ang patung-patong na kaso ng abusong militar, pagwasak sa kabuhayan ng masa at pamamaslang. Sa katunayan, noong nakaraang taon lamang ay ikalawa ang Bikol sa mayroong naitalang pinakamataas na kaso ng masaker sa buong bansa.
Sa proteksyon ni Duterte, sumahol ang dati nang kawalang-pananagutan ng AFP at PNP at lalong naging masugid ang mga mersenaryo sa paghahabol ng gantimpalang perang kapalit ng bawat kasapi umano ng BHB na kanilang mapapaslang. Kung pagbabatayan ang mga internasyunal na batas ng digma, marapat na isaalang-alang ng lahat ng panig ang karapatan at buhay ng mga sibilyan at mga kombatant na wala na sa pusisyon upang lumaban. Ngunit sa halip na tumalima rito, pinatay ng militar ang sibilyang naroon sa lugar gayundin ang ilang mga kasamang inabutan nilang sugatan at maaari pa sanang lapatan ng lunas. Ang masahol pa, sa kabila ng mga fact finding mission na nagpapatunay na sibilyan si Rowena Gabina ay iginigiit pa rin ng mga duwag na mersenaryong kasapi ng BHB ang kanilang pinaslang.
Hindi nakapagtataka kung gayon ang ibayong pagsalig ng masa sa tunay na hukbong naglilingkod sa kanila – ang BHB. Nananatili ang pampulitikang superyoridad ng pwersa ng BHB at ibayong lumaki ang bilang ng kasapiang nasa mainam na pusisyon upang gapiin ang kaaway dahil patuloy nitong tinatamasa ang walang maliw na suporta ng masang inaapi at pinagsasamantalahan. Malinaw ang mga batayang nagtutulak sa masang tumangan ng armas at ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mersenaryong hukbong tinuturing na tagumpay ang pagpaslang sa kanila.
Ano pa mang pagpapabango sa publiko at tagumpay na ipamarali ng militar, alam ng masa ang saligang pagkakaiba ng BHB sa AFP. Lehitimo ang lahat ng target ng mga opensiba ng BHB. Tinitiyak na walang sibilyang maaaring madamay bago pa man ilunsad ang mga aksyong militar. Kahit sa panahong sinasalakay ng kaaway, kung tinatayang mayroong madadamay na sibilyan ay kagyat na nagmamaniobra ang mga kasama palayo sa komunidad kahit pa sapat ang kakayahan nitong harapin ang militar. Hindi tulad ng berdugong militar, buong pagpapakumbaba ring nagpupuna-sa-sarili at nagbibigay ng makatarungang bayad-pinsala ang BHB sa mga pagkakataong mayroong sibilyang hindi-sinasadyang madamay sa kurso ng isang taktikal na opensiba. Malaki ang kaibahan nito sa mga walang-pakundangang operasyon ng AFP na hindi isinasaalang-alang ang buhay ng mga sibilyan at mismong mga elemento nito.
Kaisa ng masang Bikolano ang BHB-Bikol sa pagkundena at pagngangalit sa tigas-mukhang pagpapangalandakan ng militar ng kanilang mga tropeyo ng digmang tigmak ng dugo ng ilang daang masang kanilang pinaslang. Kasabay din ng lahat ng mga kaanak ng mga pinaslang ang rebolusyonaryong kilusan sa pagdakila sa buhay ng kanilang mga mahal sa buhay at sa paggigiit ng katarungan. Hindi titigil ang BHB sa rehiyon at sa buong bansa sa pagtatanggol ng karapatan ng mamamayan at sa pagsusulong ng digmang bayan na tatapos sa pang-aapi at pagsasamantala. Hanggat hindi nakakamit ng mamamayan ang isang lipunang tunay na demokratiko at nagsisilbi sa kanilang interes, walang makapipigil sa pagdaluyong ng makatwirang digmang ilinulunsad ng lahat ng uring inaapi at pinagsasamantalahan.

https://www.philippinerevolution.info/statement/kubkob-sa-tinambac-patunay-ng-kabangisan-ng-9th-idpa/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.