Wednesday, August 1, 2018

NDF/NPA-Masbate: Pagbalusabas ng Pasistang Diktadurang Rehimeng US –Duterte sa Negosasyong Pangkapayapaan ayon sa sulsol ng mga Militaristang DND Secretary Lorenzana, DILG Sec. Año, National Security Adviser Esperon at ng kanyang mga Berdugong kasundaluhan at kapulisan

NPA-Masbate propaganda statement posted to the National Democratic Front Website (Aug 1): Pagbalusabas ng Pasistang Diktadurang Rehimeng US –Duterte sa Negosasyong Pangkapayapaan ayon sa sulsol ng mga Militaristang DND Secretary Lorenzana, DILG Sec. Año, National Security Adviser Esperon at ng kanyang mga Berdugong kasundaluhan at kapulisan

Hukyo 26, 2018
Photo from Frances Mangosing/inquirer.net

Pagbalusabas ng Pasistang Diktadurang Rehimeng US –Duterte sa Negosasyong Pangkapayapaan ayon sa sulsol ng mga Militaristang DND Secretary Lorenzana, DILG Sec. Año, National Security Adviser Esperon at ng kanyang mga Berdugong kasundaluhan at kapulisan

Kinukundena ng JRC-BHB Masbate ang kara-karakang pag-atras ng pasistang diktadurang Rehimeng US-Duterte sa Negosasyong Pangkapayapaan dahil sa sulsol ng mga militaristang sina Lorenzana, Año at Esperon na pagtalikod sa mga napirmahang kasunduan sa mga nakaraang rehimen ukol sa negosasyong pangkapayapaan at malinaw na hindi seryoso ang Rehimen na harapin ang totoong isyu ng digmang Bayan. Mas binigyang pansin ang buladas ng mga militarista at among imperyalista na siya ang ugat ng kahirapan at paghihikahos ng sambayanang Pilipino.

Para sa kaalaman ng mga Masbatenyo at Pilipino, ang kilusang rebolusyonaryo sa probinsya ng Masbate ay sumusunod at naniniwala sa mga negosyador ng NDFP na sila ang itinakdang opisyal na makipagharap sa negosyador ng GPH para pag-usapan ang ugat ng digmang bayan sa Pilipinas ngunit ang GPH ang hindi seryoso sa usapang pangkapayapaan dahil ginagawa nila ang lahat ng paraan para bitagin ang kilusan sa hindi makatarungang pagtigil ng labanan na walang nalulutas na mga mahahalagang usapin o ang komprehensibong kasunduan ukol sa Sosyo Ekonomikong Reporma at ang mga militaristang tauhan ng rehimeng US-Duterte ang malakas ang loob na akusahan ang NDFP at ang buong rebolusyonaryong kilusan ng hindi sinsero sa usapang pangkapayapaan.

Malinaw na sila ang hindi sinsero at di seryoso sa usapang pang-kapayapaan dahil sa mga maraming dinagdag nilang mga kondisyon na wala sa orihinal na pag-uusap at ang patuloy na pananalasa ng Oplan Kapayapaan sa titulong PDT/COPD na sobra pa sa martial law sa kanayunan na dapat organisadong labanan ng sambayanang Pilipino dahil ito ang mas lalong nagpapahirap sa mga tao.

Matibay ang paninnidigan ng Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan sa lalawigan ng Masbate na hindi ito lalahok sa localized peacetalk na gustong mangyari ng rehimeng US-Duterte. Makailang beses na itong ginawa ng mga nagdaang rehimen subalit lahat ay nabigo. Ang ganitong iskema ay isang patuso at mapanlinlang na balakin upang hatiin ang rebolusyonaryong kilusan sa probinsya sa partikular at sa kabuuan sa pambangsang antas.

Hinahamon ng JRC-BHB Masbate ang rehimeng US-Duterte na kung sinsero itong tapusin ang limang dekadang labanan ay muli nitong buksan ang pakikipag usap sa mga itinalagang negosyador ng NDFP at Nananawagan ang JRC-BHB Masbate sa lahat na Masbatenyo na magkaisa at magtulungan para labanan ang ala Marcos na pamamaraan ng rehimeng US- Duterte at ilantad ang mga nagaganap na ekstra- hudisyal na pamamaslang sa titulong oplan tokhang.

Digmang bayan ang sagot sa Martial Law na pamamaraan ng pasistang diktadurang rehimeng US-Duterte.

LUZ DEL MAR
Tagapag-pahayag
JRC-BHB Masbate

https://www.ndfp.org/pagbalusabas-ng-pasistang-diktadurang-rehimeng-us-duterte-sa-negosasyong-pangkapayapaan-ayon-sa-sulsol-ng-mga-militaristang-dnd-secretary-lorenzana-dilg-sec-ano-national-security-adviser-e/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.