Friday, March 23, 2018

CPP/NPA-Camarines Sur: Hinggil sa Pagpaslang kina Alfredo Merilos at Liz Ocampo

NPA-Canmarines Sur propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Mar 22): Hinggil sa Pagpaslang kina Alfredo Merilos at Liz Ocampo

Baldomero Arcanghel, Spokesperson
NPA-Camarines Sur (Tomas Pilapil Command)

22 March 2018

Mariing kinokondena ng Tomas Pilapil Command ang karumaldumal na pagpaslang kay Alfredo Merilos at Liz Ocampo na naganap noong nakaraang Marso 15, 2017 sa oras na mahigit 9 ng gabi sa Camella Heights Subdivision Naga City. Si Alfredo Merilos ay nasa lugar dahil nasa proseso nang pagpapagamot ng kanyang karamdaman. Isang patunay ito ng nagpapatuloy na desperasyon at kawalang pagkilala sa karapatang pantao ng pasistang rehimeng US-Duterte mula ng ideklara nito ang Proklamasyon 360 na tumatarget sa rebolusyonaryong mamamayan.

Ang pagbibigay ng katarungan sa buhay na inutang kay Alfredo at Liz at sa marami pang bayani ng rebolusyon ay ang ibayong pagpupunyagi sa armadong pakikibaka upang tiyakin na bantayan at itaguyod ang demokratikong karapatan at kagalingan ng mamamayan. Ito ay dahil walang maaasahang proseso ng hustisya ang sinumang mamamayan lalo pa at patuloy na pinapalawak at pinasasaklaw ng rehimeng ito ang pang-aapi at pandarahas sa mamamayan.

Marapat lamang na manawagan tayo sa sambayang Pilipino na higit tayong magpunyagi sa pagsusulong ng Demokratikong Rebolusyong Bayan sa pamamagitan ng pagtangan ng armas dahil sa ganitong paraan lamang natin matitiyak na nababantayan at naitataguyod ang ating mga demokratikong interes at karapatan.

https://www.philippinerevolution.info/statements/20180322-hinggil-sa-pagpaslang-kina-alfredo-merilos-at-liz-ocampo

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.