NDF-Bicol propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Sep 19): Pagpaslang sa menor de edad, dagdag na kaso ng paglabag sa karapatang tao sa Rehiyong Bikol
Maria Roja Banua, Spokesperson
NDFP Bicol Region (Region V)
19 September 2017
Kaisa ng mamamayang Masbateno ang buong rebolusyonaryong kilusan sa rehiyong Bikol sa pagkundena sa dagdag na namang kaso ng paglabag sa karapatang taon ng AFP-PNP-CAFGU sa ilalim ng kamay na bakal ng rehimeng US-Duterte.Kasinungalingan ang ipinalabas sa midya ng tropa ng 3rd Platoon Alpha Company, 2nd IB na sinalakay sila ng mga pulang mandirigma nitong nakaraang Sabado, Setyembre 16, bandang alas-4 ng hapon sa Brgy. Libertad, Cawayan, Masbate.
Walang kamalay-malay at nanonood lamang ng basketball si Vincent Jaylord Vereces Pequiro, 15 taong gulang, nang barilin ng mga nakatambay na mga militar. Samantala, sugatan naman si Reymart Versaga, 23 taong gulang, sa sumunod na walang habas na pamumutok. Kapwa residente ng Brgy. Libertad ang dalawang biktima.
Bago ang pamamaril ay nag-iinuman ang mga militar sa tinatambayang barangay hall at plasa. Sa gitna ng kanilang inuman, pumutok ang isa sa kanilang mga baril. Nasugatan ang isang elemento ng militar. Upang itago ang kanilang kapalpakan sa pagsisiguro ng kanilang mga armas at kaligtasan ng mga taong nakapaligid dito, kagyat na pinuntirya ng mga ito ang binatilyong si Vincent dahil nakasuot ito ng patig na shorts. Matapos ang pamamaril, walang habas na nagpaputok ang mga pasista. Pinapalabas nilang sinalakay sila sa day care center ng mga NPA upang bigyang matwid ang umalingawngaw na putok ng mga baril.
Gaano man ang pagkukumahog ng 2nd IB na itago ang tunay na pangyayari at imanipula ang mga balita pabor sa kanilang panig, patuloy na lalabas ang katotohanan. Maraming nakasaksi sa pangyayari. Hindi maikukubli ang kawalan nila ng disiplina’t sapilitang paggamit ng mga pampublikong lugar sa mga barangay na kanilang iniikotan para sa kanilang mga bisyo’t layaw. Hindi maikukubli ang kawalang puso’t pagtarget sa mga sibilyan na para bang sila’y mga basyo lamang ng boteng pagprapraktisan sa pagtudla. Matagal nang idinadaing ng buong Masbate ang laganap na abusong militar sa mga isla nito.
Karapatan ng mamamayang Masbateno na labanan ang mga abusong militar sa ilalim ng brutalidad ng estado. Karapatan ng mamamayang Pilipino na singilin ang sinumang ahente ng estadong walang pakundangang lumalabag sa kanilang mga karapatan. Subalit sa harap ng paparaming kaso ng paglabag sa karapatang tao sa rehiyon, nanatiling inutil ang mga tinaguriang “tagapagsilbi ng mamamayan” na iniluklok sa poder nitong nakaraang eleksyon. Ang pananatiling nyutral sa gitna ng kalunus-lunos na pagyurak sa mga karapatang tao ay pagkatig sa mga mandarahas.
Hinahamon ng NDF-Bikol ang lahat ng lingkod bayan na tumindig para sa mamamayan. Hinihikayat ng NDF-Bikol ang lahat ng mga kagawad ng midya na tumungo sa mga pamayanan, suriin ang mga balita at buksan ang lahat ng daluyan para sa malayang pagpapalaganap ng impormasyon.
Pakamahalin ang taumbayan!
Tanganan ang armas at ipagtanggol ang mamamayan!
Singilin at pagbayarin ang lahat ng kasapakat ng brutal na kampanya laban sa mamamayan!
https://www.philippinerevolution.info/statements/20170919-pagpaslang-sa-menor-de-edad-dagdag-na-kaso-ng-paglabag-sa-karapatang-tao-sa-rehiyong-bikol
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.