Thursday, July 13, 2017

Tagalog news: USAID, LGU, tumutok sa pagpapaunlad ng turismo sa Puerto Princesa

From the Philippine information Agency (Jul 13): Tagalog news: USAID, LGU, tumutok sa pagpapaunlad ng turismo sa Puerto Princesa

Muling nagplano kamakailan ang Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa katuwang ang United States Agency International Development (USAID) kaugnay sa proyekto nitong pagpapalakas ng Strengthening Urban Resilience for Growth with Equity (SURGE) na nakatuon sa pagpapalago ng turismo.

Dito, inilatag ni Dr. Randi Alampay, tourism value chain specialist ang mga katangiang dapat taglayin ng lungsod bilang isang destinasyon pang-turismo. “Dapat ang Puerto Princesa ay mayroong competitive industry at sustainable destination. Ang mga ito ang dapat mapanatili upang mas lalong umunlad ang industriya ng turismo”, pahayag ni Alampay.

Dagdag pa ni Alampay, pagdating sa sustinableng destinasyon, ilan sa mga dapat matutukan at mapanatili ng siyudad ang mga programa sa malinis at berdeng kapaligiran, tamang pamamahala sa basura at pangangalaga sa kalikasan na siyang mga pangunahing sangkap nito.

Ani Alampay, ito ang buod ng naunang isinagawang planning workshop hinggil sa turismo noong nakalipas na buwan ng Marso kung saan naging partisipante ang mga ahensya at negosyong may kinalaman sa industriya.

Kaugnay nito, sinisikap ngayon ng lokal na pamahalan ang pagdaragdag ng mga atraksyon kung saan nangunguna sa bibigyang prayoridad ang pagkakaroon ng Balayong Park at Acacia tree tunnel.

Samantala, layon din ng gawain na mabuo ang pinagkasunduan sa naunang pagtalakay patungkol sa pagpapahusay ng istratehiya tungo sa pag-unlad ng turismo sa lungsod.

Ano mang mapagkakasunduan ang mabubuong plano sa nasabing workshop ay siya nang pagsisikapang ipatutupad ng pamahalaan sa kasalukuyang taon at sa hinaharap.

http://news.pia.gov.ph/article/view/3321499739846/tagalog-news-usaid-lgu-tumutok-sa-pagpapaunlad-ng-turismo-sa-puerto-princesa

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.