NPA-Ifugao propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jul 12): NPA – Ifugao, muling binigo ang 54th IB
NPA-Ifugao (Nona Del Rosario Command)
12 July 2017
Mariing pinabulaanan ng Nona Del Rosario Command (NDRC) ang ipinapakalat na mga kasinungalingan ng 54th Infantry Battalion (IB) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nangyaring armadong labanan sa Sitio Abaka, Brgy. Danggo, Tinoc, Ifugao noong July 10, 2017, alas tres ng madaling araw.
Ang Brgy. Danggo, kagaya ng lahat ng mga baryo sa kanayunan sa buong bansa, lalo pa na ito ay bahagi ng
teritoryo ng mga pambansang minorya, ay sistematikong pinagkakaitan ng reaksyunaryong gobyerno ng serbisyong panlipunan. Hanggang sa kasalukuyan, sinasadyang pabayaan sila ng gobyerno para mapilitan ang mamamayan na pahintulutan ang pagpasok ng mga mapandambong na mga kumpanya na nangangamkam ng lupang ninuno kapalit ng limos na tulong kagaya ng Sta. Clara International Corporation.
Bilang hukbo ng mamamayan, ang New People’s Army – Ifugao (NPA – Ifugao) ay nagpapaliwanag at nag-oorganisa para mas mapataas ang kaalaman ng mga masa at mabuo ang kanilang pagkakaisa.
Naglunsad ang yunit ng mga libreng serbisyong medikal para sa mamamayan ng Danggo. Ginamot ng mga kasama ang mga simpleng karamdaman at namahagi ng mga pinulbos na halamang gamot gaya ng malunggay, lagundi at sambong na siyang malisyosong ipinaparatang ng mga sundalo na marijuana. Isa ring malaking kalokohan ang ipinapakalat nilang banditry at extortion ang ginagawa ng mga NPA. Ito ay malinaw na paninira sa NDRC at sa buong rebolusyonaryong kilusan. Pilit tintatabunan ang taos-pusong pagsisilbi ng mga pulang mandirigma para mailayo sa masa ang kanyang hukbo.
Dahil buong-buo ang pagsisilbi ng NPA sa mga masa ng Danggo, ganun din ang init ng kanilang pagtanggap at pagsuporta sa kanilang hukbo. Pero may iilan, sa pangunguna ng kapitan ng Danggo na si Matthew Pihet,
isang CAFGU-intel na matagal nang nagpapagamit sa militar at may mga kaso ng pang-aabuso sa kapangyarihan tulad ng walang habas na pagpapaputok. Ilang araw bago ang labanan, dinisarmahan siya ng isang team ng NDRC at binantaan na itigil ang kontra-mamamayang gawi. Sa kanyang patuloy na pagpapagamit sa kaaway, ito ay pagtalikod sa mandato niya sa mamamayan ng Danggo. Isinusubo niya ang mga kababayan niya sa mas lalong kahirapan at pagkakabusabos sa harap ng dahas na dala ng mga operasyong militar.
Sa nangyaring labanan noong July 10, nililinaw ng NDRC na walang namatay sa hanay ng mga kasama. Agad nakaatras ang mga kasama na buo at ligtas. Hindi rin totoong mayroong sibilyan na nadamay o namatay sa labanan. Para itago ang kahihiyan na wala silang napatay o nahuling NPA sa ginawa nilang atake sa yunit, ang ipinapalabas nila ay maraming kaswalti sa mga kasama.
Ang ginagawang pagpapakalat ng mga gawa-gawang impormasyon ng AFP ay desperadong pamamaraan para itaas ang kanilang prestihiyo at moral kahit pa sirang-sira na sila sa mata ng masa. Patong-patong na ang kasalanan nh 54th IB sa mamamayan ng Ifugao at patuloy pa itong nadadagdagan dahil sa mga paglabag ng karapatang pantao ng mga taga-Danggo. Kabilang ang paglalagay ng mga checkpoint at pagpipicture sa mga hinaharang na motorista, pagbabawal na magpa-load ng cellphone at pagbibintang na mga NPA ang ilang sibilyan. Kahit nung tanghali noong labanan, patuloy pa rin ang pagpapaputok ng mga sundalo sa baryo kahit pa matagal nang nakaatras ang mga kasama, bagay na nakapagdulot ng matinding
takot sa mamamayan.
Matagumpay na nabigo ng NDRC ang layunin ng AFP na durugin ang rebolusyonaryong paglaban sa Ifugao.
Hindi titigil ang NDRC sa pagtulong, pagprotekta at pagsisilbi sa mamamayan. Bagkus, mas lalu pa nitong
hinahamon ang sarili na pangibabawan ang kahinaan at mas ibayong magpalakas para harapin ang kaaway. Nananawagan din ang NDRC sa lahat ng mamamayanng Ifugao na mas patibayin ang ating hanay at pahigpitin ang pagkakaisa.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.