From the Philippine information Agency (Jul 13): Tagalog news: 120 Special Civil Armed Auxillary nagtapos ng pagsasanay sa Palawan
Karagdagang 120 miyembro ng Special Civil Armed Auxiliary (SCAA) ang nagtapos sa Basic Military Training kahapon matapos ang apat na buwan.
Ang programang ito ay magkatuwang na itinataguyod ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan at ng Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ng Western Command (WESCOM) upang tumulong sa pananatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Palawan.
Ginanap ang seremonya ng pagtatapos sa Victoriano J. Rodriguez Multipurpose Hall sa pangunguna nina Gob. Jose Ch. Alvarez at WESCOM Commander Lt. Gen. Raul del Rosario.
Ang mga nagsipagtapos na kabilang sa Class 01-2017 ay magiging kaanib na rin ng Civilian Armed Forces Geographical Unit o CAFGU sa Palawan. Nakatakdang italaga ang mga ito sa southern Palawan para sa pananatili ng seguridad dito.
Ayon kay Lieutenant General Raul L. del Rosario, napapanahon ang pagtatapos ng CL 01-2017 dahil na rin sa maraming proyekto ang pamahalaan sa lalawigan na dapat mabantayan. Kanyang pinaalalahanan ang mga nagsipagtapos na magserbisyo ng tapat at may integridad sa kanilang tungkulin.
Ayon naman kay Gob. Alvarez, titiyakin ng pamahalaang panlalawigan na tatanggap ng kaukulang benepisyo ang mga miyembro ng SCAA maging ang kanilang mga kaanak tulad ng libreng pagpapagamot at pagpapa-ospital kung kinakailangan.
http://news.pia.gov.ph/article/view/721499395257/tagalog-news-120-special-civil-armed-auxillary-nagtapos-ng-pagsasanay-sa-palawan
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.