NPA-Camarines Sur propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jul 19): Aktibong Depensa ng NPA Laban sa Paggalugad ng 9th IB sa Camarines Sur, Matagumpay!
Michael Robredo, Spokesperson
NPA-Camarines Sur (Norben Gruta Command)
19 July 2017
Press Release
Isang engkwentro ang naganap sa pagitan ng NPA at ng 9 th IB ng 9 th ID, PA noong Hulyo 19, bandang alas-singko ng hapon, sa Bgy. Salvacion, Ragay, Camarines Sur. Sa labanang tumagal ng 30 minuto, isa ang napatay sa hanay ng AFP. Walang kaswalti sa hanay ng NPA,taliwas sa pahayag ng 9 th ID na isang NPA diumano ang napatay.
Alas dos ng umaga noong Hulyo 18, na-monitor na ng Norben Gruta Command (NPA-West Camarines Sur) ang pagpasok ng tatlong pormasyon ng AFP sa Bgy. Baya, Bgy. Napolidan
at Bgy. Cawayan sa Ragay. Matiyagang sinubaybayan, sinuri at pinaghandaan ng NGC ang galaw ng kaaway. Kinabukasan ng hapon, namataan na ng isang yunit ng NGC ang mga elemento ng Alpha Company ng 9 th IB na pumasok sa Bgy. Salvacion mula sa Bgy. Baya. Hinintay ng mga
Pulang mandirigma ang paglapit ng mga ito, at sa unang bugso ng putok, napatay ang isang elemento ng 9 th IB.
Walang ibang dapat sisihin ang 9 th ID kundi ang sarili nito. Habang patuloy ang paggamit nito sa ilang midya upang paggandahin ang sariling imahe sa gitna ng sunod-sunod na paglabag nito sa mga karapatang pantao, at upang siraan ang rebolusyonaryong kilusan, patuloy rin ang pagpasok at paggalugad nito sa mga sonang gerilya bilang pagsasakatuparan ng all-out-war nito laban sa kilusan. Patunay ito na sila mismo ang naghahanap ng “gulo”, taliwas sa ibinibintang nitong kaguluhang mula sa NPA.
Ang matagumpay na pagdepensa ng NGC ay patunay din ng suporta ng masa sa kanilang tunay na hukbo. Hindi katulad ng AFP na kailangan pang manakot o magbigay ng pabuya sa
makakapagturo sa NPA, lubos ang tiwala ng NPA sa masa. Sa pamamagitan ng suporta ng masa,naisasapraktika ang taktikang gerilyang “papasukin ang kaaway sa kailaliman”, kung saan nagmimistulang bulag at bingi ang kaaway.
Sa gitna ng muling pagpapatigil ni Duterte sa usapang pangkapayapaan at plano nitong patagalin pa ang batas militar hanggang Disyembre, makakaasa ang masa na magpapatuloy ang Norben Gruta Command sa pagdepensa para sa kanilang kapakanan. Tumatalima ang NGC sa
panawagan ng Communist Party of the Philippines (CPP) na maglunsad ng mga kontra-aksyon at opensiba upang labanan ang batas militar at all-out-war.
Tuloy ang laban para sa tunay at matagalang kapayapaan!
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.