From the Mindanao Examiner (Mar 3): MNLF speedboat, naharang sa Basilan (MNLF speedboat, blocked in Basilan)
Naharang kaninang umaga ng navy patrol boat sa karagatan ng Basilan province ang isang speedboat na puno ng mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF).
Umabot sa 34 ang pasahero ng speedboat na umano’y patungo sa bayan ng Jolo sa Sulu province, ngunit hindi naman agad mabatid kung may nakuhang armas sa mga ito. Agad rin silang pinigil at dinala ng mga sundalo sa Lamitan City na kung saan ay biniberipika ng militar ang kanilang mga pagkakakilanlan.
Nabatid na kabilang sa mga pasahero ay isang babae at karamihan sa kanila ay nasa edad 16 hanggang 40. Nakilala ang kanilang lider na si Hakim Janus, 33. Naharang ang kanilang speedboat sa kasagsagan ng operasyon nng militar laban sa Abu Sayyaf sa Basilan sa Muslim autonomous region.
Walang pahayag ang MNLF sa pagkakaharang sa naturang grupo di-kalayuan sa bayan ng Ungkaya Pukan. Mahigpit ang seguridad ng militar sa Basilan dahil sa patuloy na opensiba ng pamahalaang Duterte kontra Abu Sayyaf.
http://mindanaoexaminer.com/mnlf-speedboat-naharang-sa-basilan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.