New People's Army propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Mar 15): Ang AFP ang siyang hindi kayang kontrolin ng mga nakatataas nitong opisyal
Jaime “Ka Diego” Padilla, Spokesperson
NPA-Southern Tagalog (Melito Glor Command)
15 March 2017
Malaking kasinungalingan ang pahayag ng reaksyunaryong gobyerno at Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi tumutupad ang mga yunit ng New People’s Army (NPA) sa mga atas at direktiba hinggil sa tigil-putukan at sa kaseryosohan ng NDFP (National Democratic Front of the Philippines) sa peace talks.
Katunayan, mahigpit na napanghahawakan ng NPA ang sariling tigil-putukan, at ang mga naganap na labanan sa pagitan ng NPA at AFP ay dulot ng aktibong depensang isinasagawa ng NPA laban sa mga operasyong kombat ng AFP sa mga komunidad na nasasaklaw ng NPA.
Malaking sagka sa tunay at makatarungang kapayapaan ang AFP at ang Department of National Defense dahil sa pambabaluktot nila ng kanilang pahayag. Ang tunay na motibo sa patuloy na paninira at paghilamos ng mga kung anu-anong sama at baho sa rebolusyunaryong pwersa ay upang idiskaril ang usapang pangkapayapaan. Sinusulsol ng Kagawaran sa Depensa at mga mapandigmang heneral ng AFP ang mga naganap na labanan upang tuluyang mabigo ang usapan.
Ang pataksil na pag-atake ng AFP sa mga operasyong militar nito sa kanayunan at pagtangging kilalanin ng Kalihim ng Depensa bilang isang katapat na gobyerno ang NDFP ay Pagkwestiyon sa sinseridad nila sa pagkakamit ng kapayapaan.
Ang gobyernong Duterte ang siyang tunay na hindi kayang magkontrol ng kanyang sariling armadong pwersa. Sa loob ng 5 buwan mula Agosto 2016 nang ideklara ng Rehimeng Duterte ang kanyang walang taning na tigil-putukan, iba’t ibang operasyong militar ang inilunsad nila.
Sa Timog Katagalugan pa lamang, naitala sa unang 3 buwan ng ceasefire ang mga paglabag ng AFP: 71 combat operations, 17 COPD (Community Organizing for Peace and Development sa layuning magtayo ng paniktik), 7 pagtatayo ng checkpoint, 9 na intelligence at psywar operations (kasama ang pagbabanta, pananakot, hamletting, food blockade at iba pa), at 13 paggalaw, repositioning, redeployment at pagtatayo ng detatsment sa mga pampublikong pasilidad (tulad ng Brgy. Hall, eskwelahan at iba pa). Gayong dapat manatili sila sa kani-kanilang mga barracks.
Sa simula palang, laging iginiit ng ndfp ang kagustuhan nitong matuloy ang usapang pangkapayapaan at malutas ang malaon nang problema ng kahirapan sa bansa. Sa kabila ng hindi kayang sundin ng AFP ang sarili nitong tigil-putukan, nais pa rin ng rebolusyonaryong kilusang ituloy ang usapang pangkapayapaan.
Tungkulin rebolusyonaryong kilusan na ipagtanggol sa anumang baluktot na layunin na wasakin ang rebolusyunaryong hanay habang patuloy na umuusad ang peacetalks. Hindi papayag ang ndfp na samantalahin ng afp na paikutin ang sariling hanay. Mananatiling tagapagtanggol ang npa laban sa anumang tangka ng reaksyunaryong hukbo at pulis na guluhin at maghasik ng karahasan sa mga komunidad nasaklaw ng NPA.
Sa kabilang banda, nanawagan ang rebolusyonaryong kilusan sa Timog Katagalugan sa mga mapagmahal sa kapayapaan na maging mapagbantay sa mga pambabaluktot, paninira at mga pananabotahe at mga panlilinlang ng AFP at iba pang makinarya ng estado sa hanay ng mamamayan. Manatiling buo at matatag na labanan ang anumang makauring pangaapi at pagsasamantala ng mga kaaway at imperyalistang dominasyon sa Pilipinas.
https://www.philippinerevolution.info/statements/20170315-ang-afp-ang-siyang-hindi-kayang-kontrolin-ng-mga-nakatataas-nitong-opisyal
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.