Thursday, March 16, 2017

CPP/NPA-Camarine Norte: Hinggil sa Pekeng Balitang Engkwentro sa Pagitan ng NPA at Philippine Army noong Marso 15 sa Barangay Itok

New People's Army propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Mar 15): Hinggil sa Pekeng Balitang Engkwentro sa Pagitan ng NPA at Philippine Army noong Marso 15 sa Barangay Itok

Carlito Cada, Spokesperson
NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command)

16 March 2017
Press Release

Isang malaking kasinungalingan ang pahayag ni ng 9th ID, Philippine Army (PA) na isang kasapi ng New People’s Army ang napatay at nakasamsam ang PA ng armas, bala’t kagamitan sa isang engkwentro sa Sityo Public, Barangay Itok, Capalonga nitong Miyerkules, Marso 15, 2017.

Walang naganap na engkwentro sa pagitan ng Philippine Army at alinmang yunit ng Armando Catapia Command ng New People’s Army, Camarines Norte. Pinabulaanan din ito ng mga residente ng Barangay Itok na may naganap na engkwentro dito. Sa pag-iimbestiga, napag-alamang isang sibilyang magsasakang nagngagangalang Obina (apelyido) ang inakusahang kasapi ng NPA at pinatay ng mga elemento ng 9th ID, sa pamumuno ng isang Sgt. Hernandez, sa Barangay Mactang, kalapit na baryo ng Barangay Itok.

Ang karahasang ito ay bahagi ng di-makatarungang all-out war sa ilalim ng huwad na Oplan Kapayapaan ng rehimeng Duterte. Ayon sa Ang Bayan, mu­la nang idek­la­ra ang Oplan Ka­pa­ya­pa­an, hin­di ba­ba­ba sa tat­long mag­sa­sa­ka ka­da ling­go ang pi­na­tay ng mga ar­ma­dong pwer­sa ng es­ta­do. Katulad ng mga sinundan nitong oplan ng mga nakaraang rehimen, pinatutunayang walang-pagkabahala ang pasistang gobyerno sa buhay ng mga inosenteng sibiyan. Sa katunayan, ang pag-akusa at pagpaslang sa mga sibilyan ay matagal nang bahagi ng teroristang manera ng operasyon ng Philippine Army upang maghasik ng takot sa mamamayan, sa bigong pagtatangka nilang ilayo ang mamamayan sa rebolusyonaryong kilusan. Bahagi rin ito ng pagkukumahog na makapag-ulat ng mga diumanong matatagumpay na operasyon, upang pagtakpan ang kabiguan nilang supilin ang NPA.

Mariing kinokondena ng Armando Catapia Command ang teroristang karahasang ito. Nananawagan kami sa mamamayan, kabilang ang lokal na midya at human rights advocates, na kalampagin ang opisina ng 9th ID, sa pamumuno ni Maj. Gen. Manolito P.Orense, at maging ang opsina ni Brig. Gen. Rolando C. Manalo, Brigade Commander ng 902nd Infantry Brigade, na siyang nagsumite ng pekeng ulat, upang isiwalat ang katotohanan at nang mabigyan ng hustisya ang pinaslang na magsasaka at ang pamilya nito.

https://www.philippinerevolution.info/statements/20170316-hinggil-sa-pekeng-balitang-engkwentro-sa-pagitan-ng-npa-at-philippine-army-noong-marso-15-s

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.