Thursday, March 16, 2017

CPP/NPA-Abra: NPA Abra, Nagtagumpay sa Raid at Ambush Laban sa Pusakal na PNP

New People's Army propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Mar 15): NPA Abra, Nagtagumpay sa Raid at Ambush Laban sa Pusakal na PNP

Ka Diego Wadagan, Spokesperson
NPA-Abra (Agustin Begnalen Command)

15 March 2017

Samu’t saring armas at gamit militar ang nasamsam ng NPA-Abra sa raid ng Malibcong MPS habang limang myembro ng Provincial Public Safety Company (PPSC) na nagresponde ang nasugatan sa ambush habang patungo sana ang komboy ng mga ito sa Poblacion Malibcong, Abra.

Matagumpay na nailunsad ng isang yunit ng Agustin Begnalen Command – Procopio Tauro Front ang reyd sa Municipal Police Detachment sa Malibcong noong gabi ng March 12, 2017. Nasamsam dito ang 10 armas na kinabibilangan ng anim na ripleng M16, isang M203, dalawang pistolang 9mm, isang kalibre .45 pistola, dalawang rifle granade, isang granada at daan-daang bala ng M16, M14, M203 at mga pistola. Nasamsam din ang iba pang dokumento, cellphones at mga uniporme ng pulis. Ligtas naman na nai-turn over ang tatlong pulis na sina SPO4 Romeo Tubera (DCOP), PO3 Richard Dauz at PO2 Leomar Tuscano sa mamamayan ng Poblacion Malibcong, Abra. Ang ilang personal na kagamitan at pera na kasama sa mga nasamsam ay kaagad ding naibalik. Hindi na nakapanlaban pa ang mga lasing na pulis.

Samantala, pasado alas-10 ng umaga ng March 13, 2017, tinambangan ng isa pang yunit ng Agustin Begnalen Command – Procopio Tauro Front ang komboy ng reimporsment ng PPSC na pinamumunuan mismo ni PSSupt. Alexander Tagum, Provincial Director PNP-Abra. Lima ang naitalang sugatan sa nasabing ambush na kinabibilangan nila PO2 Jessie Trinidad, PO2 Marlon dela Paz, PO1 Gerome Baldos, PO1 Kennon Sanggoy at PO1 Von Harold Layao. Napasabugan ng command detonated explosive ang unang sasakyan. Mabilis namang tumalilis ang sakay ng iba pang sasakyan, iniiwan ang mga sugatan nilang kasamahan.

Ang magkatugon na reyd at ambush ng ABC-Abra laban sa PNP ay pagtalima sa atas ng pambansang kumand ng NPA na maglusad ng aktibong opensiba laban sa AFP-PNP upang biguin ang “All-out War” ng rehimeng Duterte. Ang PNP ay mahigpit na kinakasangkapan sa kampanyang kontra-insurhensya at nagsasagawa ng mga operasyong saywar, paniniktik at operasyong pangkombat laban sa mamamayan at buong rebolusyonaryong kilusan. Pagtugon din ang aksyong ito sa hinaing ng mga residente na biktima ng mga abusadong pulis na pasimuno ng ipinagbabawal na droga, paglalasing, pagsusugal at brutalidad. Pagkundena din ito sa pag-abuso ng kapulisan sa pagpapatupad ng “Oplan-Tokhang” kung saan libo-libong mahihirap na pamilya ang biktima ng extra-judicial killings.

Samantala, kinukondena ng Agustin Begnalen Command ang “IP Centric” approach sa Internal Security Plan ng reaksyunaryong gubyerno kung saan mas lalong pinaigting nila ang pambansang pang-aapi sa mga mamamayang Kordilyera sa pamamagitan ng paparaming rekrutment sa taga-Kordilyera na pulis at isinisabak sa mga marahas na operasyon laban sa mga pambansang minorya sa Kordilyera at mamamayang Moro sa Mindanao.

Kinokondena din ng ABC ang naisagawang command conference sa Camp Juan Villamor na kung saan ay inoobliga ng AFP-PNP ang mga LGU na tiyakin ang seguridad ng mga MPS. Inakusahan pa sila ng mga opisyal ng PNP at AFP na mga NPA umano sila. Ang ganitong mga pahayag ay nagbibigay puwang sa harap-harapang panggigipit at villification sa mga sibilyang empleyado at opisyal ng mga lokal na gubyerno. Umaalinsunod ito sa deklarasyon ng rehimeng Duterte na total war na pawang mga sibilyan ang nagiging biktima na itinuturing nilang “collateral damage”. Sa kasalukuyan ay nakadeploy ang pwersang pangkombat ng 24th IB sa kabahayan ng Poblacion Malibcong, Poblacion Lacub, Baquiro Licuan-Baay habang halos isang batalyon ng pinagsanib na 24th IB at RPSB ang gumagalugad sa mga komunidad at kabundukan.

Mahigpit na tumatalima ang Agustin Begnalen Command sa atas ng Rehiyunal at Pambansang Operasyunal na Kumand ng NPA na paigtingin ang mga taktikal na opensiba upang biguin ang anti-mamamayang “All-out war” ng rehimeng Duterte. Lubhang mabibigo ang todo-gerang ito sapagkat hindi nito tinutugunan ang mga lehitmong kahilingan ng sambayanan para sa tunay na panlipunang kagalingan. Naninindigan ang buong rebolusyunaryong kilusan sa Abra na sa pamamagitan lamang ng Demokratikong Rebolusyong Bayan mawawakasan ang kahirapang dulot ng mala-kolonyal at malapyudal na sistema na pinaghaharian ng imperlismong US, pyudalismo at burukrata-kapitalismo.

MABUHAY ANG BAGONG HUKBONG BAYAN!

BIGUIN ANG ALL-OUT WAR NG AFP-PNP!

MAMAMAYAN LUMAHOK SA DIGMANG BAYAN, SUMAPI SA NPA!

https://www.philippinerevolution.info/statements/20170315-npa-abra-nagtagumpay-sa-raid-at-ambush-laban-sa-pusakal-na-pnp

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.