Monday, July 11, 2016

Sundalo binaril ng kapwa tropa sa Zambo

From the Mindanao Examiner (Jul 11): Sundalo binaril ng kapwa tropa sa Zambo (Soldier killed by fellow troops)

Naglunsad kahapon ng operasyon ang pulisya upang madakip ang isang sundalo na umano’y bumaril at nakasugat sa kapwa nito sa Zamboanga City.

Nakilala ang suspek na si Rene Upo, na miyembro ng Philippine Army, at siyang itinuturong bumaril kay Ricky Bunsalao kamakalaw lamanga. Hindi naman ibinigay ng pulisya kung anong unit at ranggo ng mga ito dahil patuloy rin umano ang imbestigasyon sa kaso.

Nabatid na kadarating lamang ni Bunsalao kasama ang asawa sa kanilang lugar sa Barangay Daap sa Sangali sakay ng kanilang motorsiklo ng biglang sumulpot si Upo at binaril ang biktima. Kahit sugatan ay agad nakatakbo sa loob ng kanyang inuupuhang kuwarto si Bunsalao habang naiwan ang asawa nitong natulala sa naganap.

Dito na umano tyumakas si Upo sa akalang napurahan ang biktima. Naisugod naman agad si Bunsalao ng kanyang asawa sa pagamutan.

Sinabi naman ni Senior Supt. Rogelio Alabata, ang regional police spokesman, na pinaghahanap na ng mga awtoridad si Upo. Personal na alitan umano ang ugat ng away ng dalawa

http://mindanaoexaminer.com/sundalo-binaril-ng-kapwa-tropa-sa-zambo/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.