Thursday, June 23, 2016

Walong banyagang kumpanya, lumahok sa eksibit sa AAR

From the Philippine Information Agency (Jun 24): Walong banyagang kumpanya, lumahok sa eksibit sa AAR  (Eight foreign companies participated in the AAR exhibition)

Naging tampok sa isang eksibit sa Army Artillery Regiment o AAR ang mga produktong pandigma ng walong banyagang kumpanya.

Kabilang na riyan ang Diehl Defense, Lockheed Martin, Thales UK, Elbit Systems, Rafael  ADS, LIGNex1, Kompanija  Sloboda  A.D., at Hybrid Info Corporations.

Ayon kay AAR Field Artillery Capability Development Office-Force Structure Branch Chief Captain Edbert Abringe, layunin ng naturang eksibit na makapagbigay kaalaman sa lakaran ng mundo patungkol sa pagtatanggol ng bayan.

Hangad din aniya nito na maipakilala sa bansa ang mga makabagong artillery weapon system na maaaring makatulong sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Ilan sa kanilang mga ipinakita ay ang mga bagong kagamitan gaya ng mga kanyon, sasakyan, at iba pang mga fire support sa maritime at air defense.

Dagdag pa ni Abringe na ilan sa mga kanyong ginagamit ng AAR ay mula sa mga kumpanyang nabanggit gaya ang 155 Howitzer na inaasahang madaragdagan pa sa susunod na taon.

Ang eksibit ay bahagi ng selebrasyon ng ika-siyam na anibersaryo ng AAR na may temang AAR: Committed to Genuine Transformation.”

http://news.pia.gov.ph/article/view/1961466670140/walong-banyagang-kumpanya-lumahok-sa-eksibit-sa-aar

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.