From the Philippine Information Agency (Jun 22): Army, nagsagawa ng earthquake drill kaisa sa NSED 2016
Nakiisa ang mga opisyal, kawal at mga kawaning sibilyan mula sa 9th Infantry Division ng Philippine Army sa isinagawang National Simultaneous Earthquake Drill para sa ikalawang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong taon na ginanap kaninang umaga sa loob ng Camp Elia Angeles dito.
Ipinakita sa nasabing drill ang kasanayan at kahandaan ng mga opisyal, kawal at mga kawani ng 9ID ng Army sa mga ginawang scenario na posibleng mangyari kung sakali mang tamaan ng malakas na lindol ang lugar.
Ang nasabing aktibidad ay isinagawa rin ng mga iba pang military units na nasasakupan ng 9ID ng Army sa rehiyon ng Bicol.
Isa ang 9ID ng Army sa mga pangunahing magreresponde kung sakaling magkakaroon ng mga di inaasahang sakuna sa rehiyon kung kaya maliban sa paglulunsad ng mga earthquake drills puspusan din ang pagsasagawa ng 9ID ng mga Disaster Response Training para sa mga sundalo.
http://news.pia.gov.ph/article/view/3211466581629/army-nagsagawa-ng-earthquake-drill-kaisa-sa-nsed-2016
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.