Thursday, June 23, 2016

Army Artillery Regiment, kinilala ang mga natatanging kapartner

From the Philippine Information Agency (Jun 24): Army Artillery Regiment, kinilala ang mga natatanging kapartner  (Army Artillery Regiment, recognized as a unique partner)

Kinilala ng Army Artillery Regiment o AAR, sa okasyon ng ika-siyam nitong anibersaryo, ang mga natatangi itong kapartner sa pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan.

Kabilang na riyan sina DWNE Broadcast Program Producer-Announcer Melicia Ciriaco, Nueva Ecija University of Science and Technology Extension Services Director Rachel Moralde, Department of Trade and Industry Senior Trade and Industry Officer Richard Simangan, at Central Luzon State University Public Affairs Office Head Ainee Joy Edquiban.

Kinilala rin ang mga natatanging kanyonero at kanyonera na sina Staff Sergeant Sonny Susvilla, Sergeant Jayson Dagang, Captain Joel Mejia, 1st Lieutenant Aubrey Gale Maddul, Corporal Rogelio Obra, at Corporal Felipe Santillas.

Ayon kay AAR Commander Colonel Erwin De Asis, malaking bahagi sa naging tagumpay ng yunit ang mga sakripisyo at gampanin ng bawat kawani na nasasakupan gayundin ang pundasyong itinaguyod ng mga naunang pinuno.

May tema ang kanilang pagdiriwang ngayong taon na "AAR: Committed to Genuine Transformation.”

Itinampok rin sa naging selebrasyon ang ceremonial tree planting at ang eksibit tampok ang walong banyagang kumpanya na nagpakita ng kani-kaniyang imbensyon at mga produktong pandigma.

http://news.pia.gov.ph/article/view/1961466662415/army-artillery-regiment-kinilala-ang-mga-natatanging-kapartner

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.