Thursday, June 23, 2016

90 Candidate Soldier, nagsasanay maging artillero

From the Philippine Information Agency (Jun 24): 90 Candidate Soldier, nagsasanay maging artillero (90 Candidate Soldiers, training to be artilleryment)

Nasa 90 Candidate Soldier ang sinasanay ngayon ng Army Artillery Regiment o AAR na daragdag pwersa sa combat operation ng yunit.

Ayon kay Artillery Training School Commander Major Erwin Albesa, Hunyo uno nang pumasok at magsimula sa pagsasanay ang mga bagong recruit na sundalo na gugugol ng nasa apat na buwang pag-aaral.

Kabilang aniya sa mga panuntunan upang maging sundalo ay ang naging antas sa pag-aaral na dapat ay college o vocational course graduate, dapat ay nasa taas na 5 feet pareho sa kababaihan at kalalakihan gayundin ay physically fit at may mabuting pag-uugali.

Paliwanag pa ni Albesa ay mayroong dalawang module ang Candidate Soldier Course na dapat ay makabisa ng bawat sundalo gaya ang Basic Military Training Module at Specialization Module.

Ang Basic Military Training ay binubuo ng tatlong bahagi na magsisimula sa orientation na magsasanay sa kanila upang mapalakas ang kanilang mga pangangatawan na susundan ng doctrination na magtuturo ng tuwid na disiplina, at professionalism ng bawat kasundaluhan.

Dagdag pa ni Albesa, hinahasa ang bawat kasundaluhan sa paggamit at pagmando ng weapon system na mayroon ang yunit tulad ng M15 rifles, grenade launchers at iba pa.

Matapos ang mga pagtuturo ay ipakikita naman ng mga Candidate Soldier ang lahat ng mga natutunan sa field training exercises.

Ang mga makapapasa aniya ay silang magtutuloy sa Specialization Module na sasanayin sa larangan ng Field Artillery, Fire Direction Center, at Field Artillery Battery.

Kanyang nilinaw na matapos ang mga pagsasanay ay inaasahang madedestino na ang mga bagong artillero sa mga yunit sa Luzon, Vizayas at Mindanao.

http://news.pia.gov.ph/article/view/1961466672252/90-candidate-soldier-nagsasanay-maging-artillero-

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.