Thursday, June 9, 2016

NPA commander nalambat

From the Mindanao Examiner (Jun 8): NPA commander nalambat (NPA commander arrested)

Hawak ngayon ng mga awtoridad ang isang lider ng New People’s Army matapos itong madakip sa bayan ng Claver sa lalawigan ng Surigao del Norte sa Mindanao.

Nabatid na nitong Martes pa pala nahuli ng pulisya si Jonathan Peñaflor sa kanyang taguaan sa Barangay Ladgaran at sinasabing may bounty itong P2 milyon sa kanyang ikadarakip.

Ayon sa ulat ng pulisya, si Peñaflor ay diumano lider ng NPA unit sa nasabing lalawigan. May warrant of arrest umano ito na inilabas ni Judge Emmanuel Escatron ng Regional Trial Court Branch 30 sa Surigao City.

Natiktikan ng mga parak ang rebelled at ilang lingo rin ang surveillance operation na ikinasa ng pulisya upang madakip ito. Nabawi umano sa kanya ang dalawang pistol at mga bala. Sa kabila nito ay inaasahang mapapalaya rin commander sakaling pakawalan ni President-elect Rodrigo Duterte ang lahat ng political prisoners sa bansa.

Matagal ng nakikibaka ang NPA upang maitatag ang sariling estado sa bansa.

http://mindanaoexaminer.com/npa-commander-nalambat/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.