Thursday, June 9, 2016

2 sundalo sugatan sa NPA ambush sa Agusan Norte

From the Mindanao Examiner (Jun 9): 2 sundalo sugatan sa NPA ambush sa Agusan Norte (2 soldiers wounded in NPA ambush in Agusan Norte)

Dalawang sundalo ang sugatan sa sagupaan ng militar nitong Huwebes sa New People’s Army sa bayan ng Buenavista sa Agusan del Norte province.

Nabatid na nagpapatrulya ang mga tropa ng 23rd Infantry Battalion ng sila’y tambangan ng mga rebeldeng komunista sa Barangay Rizal. Nadala na umano sa pagamutan ang mga sugatang sundalo, ngunit hindi naman inilabas ng militar ang pangalan ng mga ito.

Ngunit ayon sa ibang mga ulat ay parehong private first class ang mga sugatan na may apelyidong Ybañez at Mancognahan. Niratrat ng mga rebelde ang grupo ng mga sundalo habang nasa isang misyon ang mga ito.

Walang naiulat na casualties sa panig ng NPA, subalit inaasahan na sasabihin na naman ng militar na may nakita ang mga sibilyan na mga nasawing rebelde at itinakas ang kanilang bangkay.

Ito ang karaniwang sinasabi ng militar sa tuwing may labanan, ngunit kadalasan ay walang mga sibilyan sa lugar ng mga sagupaan o kung meron man ay hindi ito lalabas sa takot na mabaril o maiipit sa labanan.

Nakikibaka ang NPA upang maitatag ang sariling estado nito.

http://mindanaoexaminer.com/2-sundalo-sugatan-sa-npa-ambush-sa-agusan-norte/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.