Maria Roja Banua
Spokesperson
NDFP Bicol Chapter
Spokesperson
NDFP Bicol Chapter
Inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa rehiyong Bikol ang serye ng mga koordinadong taktikal na opensiba sa porma ng isnayp, harasment at demolisyon simula 26-29 ng Setyembre 2014 sa mga probinsya ng Sorsogon, Albay Camarines Sur na umabot ng 18 na bilang ng mga detatsment ng 22nd CAFGU (Cadre) Batallion at mga Company Batallion sa ilalim ng 901st, 902nd, 903rd Brigade ng 9th Infantry Division Philippine Army sa Pili, Camarines Sur.
Bahagi ito ng pangkalahatang tungkulin ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na paigtingin ang armadong pakikibaka at hawanin ang landas para sa tunay na pagbabago ng lipunan. Sa partikular, ambag na hambalos ito ng kabikolan sa pambansang laban sa reaksyunaryong US-Aquino na batbat ng korapsyon, katiwalian at pagbebenta ng pambansang patrimonya.
Ipinagpaliban ng Bikol ang paglulunsad ng mga taktikal na opensiba upang palipasin ang taunang pangrelihiyong aktibidad ng mga deboto ng Penafrancia. Subalit kapansin-pansin ang kalabisang partisipasyon ng 9th ID Philippine Army sa nasabing panrelihiyosong pyesta at inaangkin na sila man ay deboto ng penafrancia pero ito ay nangyari lamang sa loob ng ilang nagdaang kapyestahan. Mahigpit ang naging pagtitimpi ng Bagong Hukbong Bayan bilang pagrespeto sa nasabing okasyon.
Gayundin ang mga inilunsad na koordinadong taktikal na opensiba, ginagarantiya ng BHB at rebolusyonaryong kilusan na labas sa saklaw ng radius ng mga lugar ng apektado ng kalamidad na dulot ng nagbabantang pagputok ng Mayon. Upang maigarantiya, dinala ng bagong hukbong bayan ang labanan sa kanila mismong mga detatsment at lugar kung saan may mga regular na operasyon militar ang Philippine Army. Palagiang likhang kalamidad ang kanilang mga abusong militar, direktang paninira ng ari-arian at operasyong militar na humahadlang sa mga pang-ekonomiyang aktibidad ng mga masa sa kanayunan.
Samantala, sa mga huling nagdaang kalamidad na bagyong Yolanda at Glenda, baha, lindol at pagguho ng lupa aktibo ang Bagong Hukbong Bayan at buong rebolusyonaryong kilusan sa iba’t-ibang tipo at pamamaraan upang maghatid ng relip at rehabilitasyon sa mga apektado ayon sa kinakaya at kakayahang rekurso at maging sa pamamagitan ng network ng National Democratic Front.
Higit sa lahat aktibo ang rebolusyonaryong kilusan sa pagpaparusa sa mga may dayuhan at lokal na malalaking korporasyon na syang dahilan ng pagkasira ng kalikasan na naghahatid ng mas matinding pinsala sa buhay at ari-arian ng masa. Habang ang mga malalaking korporasyong naninira sa mga kalupaan, kagubatan at kabundukan dulot ng mga pagmimina at proyektong enerhiya ay tumatamasa ng proteksyon sa kanilang negosyo mula sa Philippine Army at buong makinaryang gobyernong US-Aquino. Naihahayag man o hindi sa mga institusyon sa pamamahayag ang pagsisikap ng bagong hukbong bayan sa puso at kamalayan ng masa ay nadarama ito dahil taus-puso at tunay na walang pagkukunwaring serbisyo sa mamamayan.
Ibagsak ang pangunahing salot na Gobyernong Estados Unidos-Aquino na syang ugat ng Kalamidad sa Lipunan!!!
Ibayong isulong ang armadong pakikibaka hanggang sa tagumpay!!!
Mabuhay ang Rebolusyon!!!
http://www.philippinerevolution.net/statements/20140930_serye-ng-mga-koordinadong-taktikal-na-opensiba-inilunsad-ng-bhb-sa-kabikolan

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.