Kabataang Makabayan
Hindi matuldukan ang serye ng mga pagtaas ng serbisyo at batayang pangangailangan sa unang kwarto ng taon. At para sa mga estudyante, ang buwan ng Pebrero ay buwan ng panibagong pagmamahal ng mga matrikula at iba pang bayarin sa mga pamantasan. Minamadali ng mga administrador ng pribadong pamantasan ang mga “konsultasyon” para umabot sa deadline ng Pebrero 28, ayon sa CHED Memo 3, Series of 2012.
“Para sa susunod na akademikong taon, tinatayang may 400 na bilang ng mga pamantasan sa buong bansa ang magtataas ng matrikula at iba pang bayarin.
Tinatayang 3-18% ang tantos ng pagtaas ng matrikula sa iba’t ibang kolehiyo at pamantasan sa buong bansa. Labas pa dito ang mga mungkahing miscellaneous fees na maaaring umabot sa P17,000 tulad na lamang sa Far East Air Transport Incorporated (FEATI),“ ayon kay Ma. Laya Guerrero, Pambansang Tagapagsalita, Kabataang Makabayan.
Ang di-maampat na pagsirit ng presyo ng matrikula at iba pang bayarin ay pagpapakatuta ni Aquino sa pandaigdigang dikta ng mga kapitalista na huthutan at gawing negosyo ang edukasyon. Plano pa itong palalain ni Aquino sa polisiyang Roadmap for Public Higher Education Reform (RPHER) na naglalayon na ipasara ang maraming bilang ng mga pampublikong pamantasan, gawin itong self-sustaining sa pamamagitan ng mga income-generating projects para hindi na umasa sa subsidyo ng gobyerno.
Ayon sa KM, ginagamit ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga konsultasyon para ipalabas na dumadaan sa demokratikong paraan ang mga pagtaas.
Ngunit, sa marami, kung hindi man, sa lahat ng pagkakataon, ang pagtutol ng mga estudyante ay hindi dinidinig ng CHED at ni Aquino. Taun-taon may pagtaas, ibig sabihin, taun-taon ay iligal na sinisingil ang mga estudyante ng mga bayarin. Labas pa dito may kalayaan ng mga kapitalista-edukador na magpataw ng taunang increase sa mga incoming freshmen na hindi kinakailangan dumaan sa proseso ng konsultasyon.
“Malinaw na hindi dapat magpakulong ang mga estudyante sa mga konsultasyon. Isa lamang itong pormalidad para aprubahan ng CHED at ni Aquino ang mga pagtaas. At sa katunayan, walang intensyon ang gobyerno na pigilin ang mga pagtaas ng matrikula at at iba pang bayarin. Sapat ang mga batayan na ito para magkasa ng malawak at masaklaw na pagkakaisa ang mga estudyante at sumulong sa paglaban,” ani ni Guerrero.
Dagdag pa ni Guerrero, dapat maging inspirasyon ng estudyante ang mga welgang pangkampus ng 2010-2011. Naging susi ito para mapigilan ang mungkahing 2000% tuition increase sa PUP. At kamakailan lamang, ang militanteng pagkilos ng mga estudyante ng Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) ang naging susi para iatras ng administrasyon nito ang P1,000 na “Developmental Fee.”
“Hindi dapat masadlak sa pagtitiis at pagtitimpi ang mga estudyante. May isang antas na ng galit ang nag-aalimpuyo sa hanay ng estudyante, at ito ay dapat magluwal ng mapagpasya at matagumpay na paglaban,” giit ni Guerrero.
Maktwiran lamang na kumilos ang mga estudyante at ikasa ang malalawak na pagtitipon at pagkilos sa iba’t ibang pamantasan sa bansa. Nanawagan ang KM na tipunin ang lakas ng hanay ng kabataan at estudyante, biguin ang mga pagtaatas ng matrikula at bayarin, at ibayong pagpapasahol ng rehimeng US-Aquino sa krisis sa edukasyon sa bansa.
http://www.philippinerevolution.net/statements/20140224_pagtaas-ng-matrikula-at-iba-pang-bayarin-bibiguin-ng-pagkilos-ng-kabataan-kabataang-makabayan

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.