Kabataang Makabayan
“Baka dapat huwag na lang akong magkometaryo dahil tila naasikaso nilang pumunta dito, puwede naman sigurong maasikaso ‘yung pangkabuhayan nila doon.”
Ito ang aroganteng sagot ni Aquino sa lider at delegado ng Peoples Surge na tumungo sa Malakanyang sa ika-100 araw ng trahedya ng superbagyong Yolanda. Mas pinili ni Aquino na humarap sa midya, kaysa harapin ang lider ng Peoples Surge na pinag-antay nito ng tatlong oras para paasahin at sa huli ay hindi siputin. Daing ng Peoples Surge ang P40,000 agarang pampinansiyal na suporta para sa mga biktima, na agad binasura ni Aquino diumano dahil hindi limitless ang pondo ng gobyerno. Nang-uuyam pang sinabi ni Aquino na kung kaya ng mga biktima na tumungo ng Maynila, diumano dapat may pondo rin sila para sustentuhan ang sarili.
“Arogante, taksil at walang pakinabang si Aquino sa mga biktima ng Yolanda at sa mamamayan. Seryoso ang Peoples Surge na magkasa ng mga demonstrasyon para singilin ito sa kanyang kriminal na kapabayaan, at resolbado ang kabataan at estudyante na sumuporta sa kanilang mga pagkilos,” ani ni Ma. Laya Guerrero, tagapagsalita ng Kabataang Makabayan.
Bigo ang mga kabataan at estudyante na makakuha ng agarang suporta para maluwag na maipagpatuloy ang kanilang edukasyon. Hindi dininig ang makatarungang panawagan ng mga taga UP Tacloban para sa libreng edukasyon. Ang malaking bilang naman ng Iskolar ng Bayan na pinalad makapagpatuloy sa iba pang kampus ng UP sa bansa ay nakasandal sa inisyatiba’t suporta ng makabayang guro at estudyante.
Nanatiling palaisipan ang kapalaran ng UP School for Health Sciences sa Palo, Leyte na isa sa mga pinakanasalanta ng bagyo. Ang UP Palo, kabilang sa iilang pang-akademikong institusyon na naglilikha ng mga Iskolar ng Bayan na nagsisilbing health workers ng komunidad.
“Isang daang araw matapos ang trahedya, ang tanging nagawa ni Aquino ay makapagtayo ng mga mamahaling bunk houses at ilako ang mga lupain at proyekto ng rehabilitasyon sa mga dayuhan at pribadong sektor. Pinaghati-hatian nila ang lugar para pagtayuan ng mga proyekto para sa turismo at negosyo, ilan sa mga lugar na ito ay binakuran na at tinawag na “no build zones”. Balak din ni Aquino na pagbayarin ng buwis ang mga maralitang mangingisda at traysikel drayber para umano’y maabot ang P1.36T pondo para sa relief at rehabilitation ng mga biktima ng kalamidad sa bansa," dagdag ni Guerrero.
Bilang pangwakas, ayon kay Guerrero: “Duwag si Aquino na harapin ang kanyang pananagutan sa mga makatarungang daing ng taumbayan. Kasamang hahatulan ng mamamayan ang mga taksil na miyemro ng kanyang administrasyon tulad ni Dinky Soliman, Mar Roxas, Ping Lacson at Kim Henares. Matagal nang said ang pasensiya ng taumbayan, at nalalapit na ang panahon ng pagdagundong ng kilos protesta na yayanig at titibag sa muog ng reaksiyunaryong kapangyarihan ni Aquino at ng Malakanyang.” ###
http://www.philippinerevolution.net/statements/20140224_pagbayarin-si-aquino-sa-kriminal-na-kapabayaan-nito-sa-mga-biktima-ng-yolanda-kabataang-makabayan

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.