Monday, October 2, 2023

CPP/NPA-Western Samar: Pulang Saludo para kina Jonila Castro at Jhed Tamano! Ilitaw at palayain ang lahat ng dinukot ng pasista-teroristang militar!

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Sep 29, 2023): Pulang Saludo para kina Jonila Castro at Jhed Tamano! Ilitaw at palayain ang lahat ng dinukot ng pasista-teroristang militar! (Red Greetings for Jonila Castro and Jhed Tamano! Reveal and free all those abducted by the fascist-terrorist military!)
 


NPA-Western Samar (Arnulfo Ortiz Command)
Eastern Visayas Regional Operational Command (Efren Martires Command)
New People's Army

September 29, 2023

Sinasaluduhan ng Arnulfo Ortiz Command-NPA Western Samar ang dalawang environmentalist na sina Jonila Castro at Jhed Tamano sa kanilang matapang na pagsiwalat ng katotohanan sa naging pagdukot sa kanila ng mga elemento ng 70th IB at SAF.

Kapuri-puri ang kanilang katapangan at katatagan na kontrahin ang mga kasinungalingan ng NTF-ELCAC na bihasa sa paglubid ng kasinungalingan laban sa mga lehitimong ligal na organisasyon na layuning ipaglaban ang kapakanan ng mga mangingisda.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang 2 kabataan para sa mga pamilya ng iba pang dinukot ng militar na hanggang ngayon ay tahimik na naghahanap. Naghihintay kung maibabalik pa ang kanilang mga mahal sa buhay na itinatago ng mga militar.

Dito pa lang sa Western Samar at sa buong Eastern Visayas ay napakarami ang naging biktima ng sapilitang pagdukot, pananakot at sapilitang pagpapasurender ng militar sa ilalim ng Task Force Storm, 8th ID atNTF-ELCAC.

Nananawagan kami sa mga pamilya ng mga biktima na hanggang sa ngayon ay itinatago ng teroristang 8th ID sa kanilang kampo sa Barangay Maulong, Catbalogan, Samar, na ipaglaban at igiit ang inyong karapatang makita ang inyong mahal sa buhay.

Nanawagan kami sa lahat ng may mabuting loob at nagtataguyod sa karapatang pantao, mga abogado na nagtataguyod ng tunay na hustisya na tulungan ang kaanak na mahanap ang mga kapamilyang illigal na idinidetini ng 8th ID.

Natatakot silang lumantad at ang iba ay di alam ang gagawin paano igigiit ang kanilang karapatan lalo na salat sa perang pambayad sa serbisyo ng abogado. May dalawang kasama pa na dinukot ng intel operatives ng Task Force Storm. Sila ay nilinlang at tinakot para sa hibang na pangarap ng 8th ID na wasakin ang rebolusyonaryong kilusan sa Eastern Visayas. Hindi masikmura ng dalawa ang kriminal na kagustuhan ng military intelligence kaya nagtapat sila at pinag-ingat ang mga kasama. Katunayan, pinagdala sila ng GPS para magamitan ng mapangwasak na bomba.

Patuloy na itinatago at ikinukulong ng 8th ID ang marami pang biktima na dinakip kabilang na ang asawa ni Kim Dexter Perez na si Mariel Rebato at kasisilang pa lang nitong anak.

Iligal ding nakadetini doon sina Marygrace Tambis Bicina asawa ni Vingel Bagcal; Monica Ogacho at ang bagong silang niyang sanggol, at Renato Chokoy Rufo. Ang dalawa sa pito ay magkakahiwalay na dinukot ng mga intel ng 8th ID noong Disyembre 2022 sa pansamantalang inupahang bahay sa Calbayog City. Samantala, may tatlo pang dinukot noong Marso 2023 sa parehong lugar sa Calbayog. Ang apat sa mga dinukot na NPA ay pinabalik sa kanilang kasamahan. Binigyan sila ng misyong dalhin ang GPS Tracker para targetin sa pambomba ng eroplano.

Hindi masikmura ng mga kasama na mapinsala ang kanilang kasamahang walang ibang adhikain kundi ipaglaban ang kapakanan ng uring inaapi at pinagsasamantalahan laban sa pambubusabos ng naghaharing uri. Ang mga pinalabas na nakonbert ng 8th ID, ang makapagpapatunay na nasa loob ng Maulong ang kanilang mahal sa buhay at marami pang itinatago sa kampo rito.

Sana’y maranasan din ng marami pang dinukot ang makalaya at makita ng kanilang mga mahal sa buhay. Nararapat na igiit ng kapamilya ang karapatang makita ang mga mahal nila sa buhay.

Nawa katulad ni Jonila Castro at Jhed Tamano maging matapang din sila na isiwalat ang katotohanan. Nananawagan kami sa mga kapamilya ng mga nabanggit na habulin at igiit ang pagpapalaya sa kanila lalo na ang dalawang sanggol.

Mabuhay sina Jonila Castro at Jhed Tamano!
Palayain ang lahat ng dinukot at sapilitang pagkawala!
Mariing labanan ang kasinungalingan at paglabag sa karapatang pantao ng mga pasista-teroristang militar!
Kondenahin ang DOJ, AFP, NTF-ELCAC na nagbabalak pang kasuhan ng perjury ang dalawang kabataan!
Ilitaw at palayain ang lahat ng dinukot at biktima ng sapilitang pagkawala!

https://philippinerevolution.nu/statements/pulang-saludo-para-kina-jonila-castro-at-jhed-tamano-ilitaw-at-palayain-ang-lahat-ng-dinukot-ng-pasista-teroristang-militar/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.