Eliza 'Ka Eli' dela Guerra
Spokesperson
NPA-North Quezon
NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command)
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army
September 27, 2023
Binigwasan ng Apolonio Mendoza Command-NPA-North Quezon, ang tropa ng 80th IBPA sa Sityo Mararaot, Barangay Lumutan, General Nakar, Quezon, kaninang alas-10 ng umaga.
Isa ang kumpirmadong napatay at dalawa ang nasugatan sa reaksyunaryong tropa, habang ligtas na nakaatras ang mga Pulang mandirigma.
Labing isang araw na nag-ooperasyon ang pasistang tropa na ito sa baryo na nagsimula pa noong petsa-17 ng buwang ito. Ang operasyon nilang ito ay nagbigay takot sa pamayanan. Kinokontrol nito ang aktibidad ng mamamayan sa baryo, maging ang kanilang pagbili ng konsumo. Ibayong nagpapatindi ito sa dinaranas na kahirapan ng mamamayan na nataon sa “kawitang palakol”.
Simula ng taong 2019 ay hindi na napahinga ang komunidad sa operasyong militar at kaakibat na pandarahas nito sa mamamayan, kasama na ang pagpaslang sa dalawang katutubo na si Puroy dela Cruz at Randy dela Cruz kapwa biktima sa tinaguriang Bloody Sunday Massacre noong Marso 2021. Pwersahan at paulit ulit din pinasuko ng pasistang tropa na ito at ng NTF-ELCAC ang mamamayan at sinampahan ng mga gawa-gawang kaso. Dahil dito, ang ultimong presensya ng militar at pulis ay nagdudulot ng matinding epektong sikolohikal sa mamamayan, hanggang nakakaisip na ang ilan sa komunidad ng mga Dumagat na magpakatiwakal sa takot na kanilang nararanasan, inaabot na nilang magkang-i-ihi sa kanilang salawal sa tuwing makakakita ng ibang tao, at maging sa tahanan nila ay iniiwan nila sa gabi habang sa gubat sila natutulog sa takot na basta pasukin ang kanilang tahanan at paslangin sa kalaliman ng gabi.
Ang mamamayan dito ay malaon nang lumalaban sa pagtatayo ng proyektong Kaliwa-Kanan-Laiban Dam na magpapalayas sa buu-buong komunidad ng katutubo sa bahagi ng barangay Sta. Inez, Daraitan at Laiban ng Tanay, Rizal, barangay ng Lumutan at Pagsangahan sa bayan ng General Nakar, Quezon, at barangay Magsaysay sa bayan ng Infanta, Quezon. Ang kanilang mariing pagtutol sa proyektong ito ang siyang mitsa ng walang humpay na pananalasa ng mga berdugong ito sa mamamayan.
Sa pasismo ng estado, lalong tumatalas ang tunggaliang makauri at naipag-iiba kung sino ang kanilang tunay na hukbo. Palaging nakahanda at magpupunyagi ang Bagong Hukbong Bayan upang ipagtanggol ang kapakanan ng manamayan at panagutin ang mga berdugong 80th IBPA na may mahabang listahan ng paglabag sa karapatang pantao at panlilinlang sa mamamayan.
https://philippinerevolution.nu/statements/berdugong-80th-ibpa-binigwasan-ng-yunit-ng-apolonio-mendoza-command/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.