Magdalena Kalayaan
Spokesperson
NPA-Laguna (Cesar Batralo Command)
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army
September 28, 2023
Kinukundena ng Cesar Batralo Command-NPA-Laguna ang labis-labis na pagtatambak ng pwersa ng 1st IBPA at pagpapasok ng mga tangke de gera nito sa Sta. Maria, Laguna. Kalabisan ang pagpapakitang-lakas na ito na nakatabing sa diumanong layunin ng AFP na magmantini ng seguridad sa panahon ng Barangay-SK Elections.
Sunod-sunod ang pagpapapasok ng AFP ng tropang militar sa bayan ng Sta. Maria nitong nakaraang linggo para umano tiyakin ang seguridad ng eleksyon laban sa CPP-NPA. Pinasisinungalingan ng mga aktong ito ang matagal nang ipinangangalandakan ng AFP at NTF-ELCAC na ang Laguna ay wala nang presensya ng NPA. Kung gayon, hindi na dapat ito nag-aaksaya ng malaking pwersa at kagamitan para magbantay at umatake sa NPA. Nangangahulugan lang ang militarisasyong ito na kasinungalingan lamang ang mga deklarasyon ng NTF-ELCAC at AFP.
Sa halip na seguridad at kapanatagan, kabaliktaran ang idinudulot nitong epekto sa mamamayan ng Sta. Maria. Intimidasyon at takot lamang ang nililikha nito sa mga sibilyan. Tiyak na kasama sa operasyong militar na gaganapin ay ang harasment, pagbabanta at surveillance sa mga kandidato ng Barangay-SK Elections na pinararatangan nitong may ugnayan sa CPP-NPA.
Nananawagan kami sa mga residente ng Sta. Maria na kundenahin ang presensya ng labis-labis na militar at mga tangke nito sa kanilang bayan. Dapat na magmatyag upang itaguyod ang Geneva Conventions at International Humanitarian Law laban sa harasment, pagbabanta, pamamaslang, surveillance at iba pang talamak na paglabag ng AFP-PNP sa karapatang pantao sa panahon ng eleksyon. Dapat ding ipagbawal alinsunod sa mga batas na ito ang paghimpil ng mga armadong pwersa sa mga bahayan at pampublikong lugar tulad ng eskwelahan, simbahan, barangay hall at iba pang istrukturang sibilyan.
Sa pagpapatindi ng presensyang militar ng AFP, ipinakikita lamang nito kung sino ang tunay na nagdadala ng ligalig sa mamamayan. Sila ang tunay na banta sa kaligtasan at kapanatagan ng masa.###
https://philippinerevolution.nu/statements/kundenahin-ang-labis-na-pagtatambak-ng-pwersang-militar-sa-sta-maria-laguna/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.