Armando Cienfuego
Spokesperson
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army
October 19, 2023
Bigo ang AFP sa kontra-rebolusyong plano nitong igupo ang mga yunit ng NPA sa Batangas at Mindoro. Binigwasan ng mga Pulang mandirigma ang palalong AFP sa mga labanang naganap noong Oktubre 15 at 16. Pinakamababang anim ang natamong kaswalti sa hanay ng berdugong AFP habang walang kaswalti sa hanay ng NPA.
Noong Oktubre 16, 9:45 ng umaga, inilunsad ng Eduardo Dagli Command (EDC)-NPA Batangas ang isang dagliang ambus sa Barangay Bignay, Lobo. Natanaw ng mga Pulang mandirigma ang nag-ooperasyong 59th IBPA at kagyat na pumwesto at hinintay na lumapit ang mga pasista. Pinapasok nila sa killing zone ang mga ito bago pinasabugan ng command detonated explosive at pinaputukan. Lima ang pinsala sa hanay ng 59th IBPA habang ligtas na nakaatras ang mga Pulang mandirigma. Sa lubha ng tinamong pinsala, hindi nakaganting-putok ang mga buhong na militar.
Bago ito, nagkaroon din ng labanan sa pagitan ng NPA Batangas at 59th IBPA sa parehong barangay noong Oktubre 15, bandang 9:40 ng umaga. Aktibong nagdepensa ang yunit ng EDC at binigo ang atake ng 59th IBPA.
Samantala, nagkaroon din ng labanan sa pagitan ng isang yunit ng Lucio de Guzman Command (LdGC)-NPA Mindoro at 76th IBPA sa Sitio Sapang Dagat, Barangay Malu, Bansud, Oriental Mindoro noong Oktubre 16, ganap na 7:30 ng umaga. Apat ang napaulat na inilabas na patay sa 76th IBPA sa aktibong depensa ng yunit ng LdGC. Matapos ang labanan, nagpalipad ng helikopter ang AFP bilang bahagi ng pursuit operations nito. Kinabukasan, Oktubre 17, ganap na alas tres ng hapon, aktibong nagdepensa ang BHB laban sa nakaambus na pasistang pwersa ng 10th Special Action Battalion-PNP at 76th IBPA sa sityo Manambao, Sta Cruz, Bongabong, Oriental Mindoro.
Ang mga labanang naganap ay nagpapakita ng opensibang postura ng NPA laban sa pang-aatake ng AFP sa ilalim ng kontra-rebolusyonaryong gera ng ilehitimong rehimeng US-Marcos-Duterte sang-ayon sa bagong National Security Policy na binalangkas ng reaksyunaryong administrasyon. Determinadadong lumaban ang NPA sa ibayong pinatitinding pang-aatake ng reaksyunaryong estado sa mamamayan upang supilin ang kanilang mga paglaban para sa kanilang mga lehitimong karapatan at interes.
Batid din ng NPA at ng masa na kasabay ng pasistang paninibasib ang pagpapalaganap ng mga pekeng balita at disimpormasyon sa layuning pahinain ang mapanlabang diwa ng rebolusyonaryong pwersa at mamamayan. Noong Oktubre 12, nagpakalat ng pekeng balita ang 59th IBPA ukol sa isang labanan sa sa Barangay Guinhawa, Taysan kung saan “nakasamsam” umano ito ng mga armas at iba pang kagamitan ng NPA Batangas. Hibang na niloloko ng reaksyunaryong gubyerno at ng gulugod nitong AFP ang kanilang sarili para isalba ang morale ng sariling tropang napapagod na sa mga mapanupil na operasyong militar habang kumukubra at nagpapakasasa sa limpak-limpak na salapi ang kanilang mga mataas na opisyal.
Nangangangarap nang gising ang ilehitimong rehimen na malipol ang NPA sa loob ng termino nito. Hindi kailanman matatalo ang NPA dahil batid ng mamamayang Pilipino na ito ang kanilang tunay na hukbo na nagtataguyod sa kanilang pambansa-demokratikong mithiin.
Nilalabanan ng NPA ang mersenaryong AFP-PNP-CAFGU na nagsisilbing bantay ng mga mapangwasak na proyekto at kontra-mamamayang programa ng reaksyunaryong gubyerno. Kinamumuhian ng mamamayan ng Batangas ang 59th IBPA sa paghahasik nito ng kaguluhan sa mga baryo, lalo ang mga komunidad na may malaking pagtutol sa pangangamkam ng lupa at nakaambang pagkawasak ng kalikasan sa mga dambuhalang mina, ekoturismo at huwad na proyektong pangkaunlaran sa mga bayan ng Lobo at Taysan. Gayundin sa Oriental Mindoro kung saan nilalabanan ng mamamayan ang pananalasa ng mapangwasak na quarrying operations at dayuhang pagmimina sa isla. Kapwa nagsisilbing bantay sa mga proyektong ito ang 59th IBPA (Batangas), 76th IBPA, 10th SAB-PNP (Oriental Mindoro).
Ang tagumpay sa mga labanan ng NPA sa Batangas at Mindoro ay bunga ng matibay na pagkakaisa ng Pulang Hukbo at ng masang kanilang pinaglilingkuran. Patuloy na ipagtatanggol ng NPA ang masang Pilipino laban sa pasismo at terorismo ng estado. Kasabay nito, makakaasa ang masang api at pinagsasamantalahan na patuloy na bibigwasan ng NPA ang mersenaryong AFP-PNP-CAFGU at parurusahan ang mga pinakapusakal sa kanila. Ibayong paiigtingin ng NPA ang digmang bayan, kasama ng malawak na masa, hanggang sa maipagwagi ito.###
https://philippinerevolution.nu/statements/afp-binigwasan-ng-npa-sa-mindoro-at-batangas/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.