Thursday, October 19, 2023

CPP/NPA-Mindoro: Aktibong Depensa ng LDGC sa Barangay Malu, Bansud, Tagumpay!

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Oct 17, 2023): Aktibong Depensa ng LDGC sa Barangay Malu, Bansud, Tagumpay! (Active Defense of LDGC in Barangay Malu, Bansud, Success!)
 


Madaay Gasic
Spokesperson
NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command)
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army

October 17, 2023

Matagumpay na kinasahan ng aktibong depensa ng isang yunit ng Lucio De Guzman Command-NPA Mindoro ang umaatakeng pwersa ng 76th IB sa ilalim ng 203rd Brigade sa Barangay Malu, Bansud, Oriental Mindoro kahapon, 16 Oktubre, ganap na ika-7:30 ng umaga. Napatay ang isang sundalo habang ligtas na nakaatras ang yunit ng Pulang Hukbo.

Ang bigwas na ito ng LDGC ay tugon lamang sa panawagan ng mga Mindoreño na ipagtanggol sila sa walang pakundangang paghahasik ng takot, ligalig at pagmamalupit sa walang kalaban-laban na mga sibilyan ng mga sundalo’t pulis. Ang paulit-ulit na siklo ng operasyong militar ng 203rd Bde-PNP-MIMAROPA sa anyo ng mga FMO-RCSP ay salot sa buhay ng mga Mindoreño.

Kamakailan lamang sunud-sunod na karahasan ang ginawa ng mga sundalo’t pulis sa mga mamamayan ng Mansalay, Bongabong, Bansud sa Oriental Mindoro at sa Rizal, Occidental Mindoro. Naitala ang mga insidente ng pambubugbog ng sibliyan, panggagahasa, tortyur, sapilitang pagpapasuko at nitong huli ay ang gawa-gawang labanan sa Sityo Kulitob, Panaytayan, Mansalay upang maghasik ng terror.

Ang mga bigwas ng LDGC-NPA Mindoro sa mga palalo at malupit na 203rd Bde-PNP-MIMAROPA ay pinakahinihintay at ikinatutuwa ng mga Mindoreño. Paggawad lamang ito ng hustisya upang basagin ang klima ng impunidad o kawalang pananagutan ng mga AFP-PNP na pinalalago ng rehimeng US-Marcos Jr-Duterte.

Kailangang magbuklod ang buong mamamayan ng Mindoro at bigwasan ang mga malupit na mga sundalo’t pulis. Sabayang palakasin ang kilusang masa ng mga Mindoreño at ang armadong paglaban ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang pinakamamahal na Hukbo—ang New People’s Army.

Ang tunay na katarungan ay hindi makakamit ng bayan kung iaasa ito sa reaksyunaryong sistemang hudisyal. Lakas ng mamamayan ang gagawad ng katarungan laban sa malulupit na AFP-PNP na siyang haligi ng pahirap pasista at papet ng rehimeng US-Marcos Jr -Duterte. Tanging ang Digmang Bayan sa balangkas ng Pambansa Demokratikong Rebolusyon ang wawasak sa kontrol ng imperyalismong US at sa bulok na papet nitong reaksyunaryong estado upang bigyang puwang ang pag-iral ng demokratikong gobyerno ng mamamayan.###

https://philippinerevolution.nu/statements/aktibong-depensa-ng-ldgc-sa-barangay-malu-bansud-tagumpay/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.