Saturday, September 9, 2023

Team Leader ng Komunistang Terorista, nagbalik-loob sa South Cotabato

From the Mindanao Daily News (Sep 9, 2023): Team Leader ng Komunistang Terorista, nagbalik-loob sa South Cotabato (Communist Terrorist Team Leader, converted in South Cotabato)

Team Leader ng Komunistang Terorista, nagbalik-loob sa South Cotabato

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Isa na namang biktima ng panlilinlang at maling ideolohiya ng mga komunistang terorista ang yumakap ng kapayaan at tuluyang iniwaksi ang armadong pakikibaka.

Makaraang magbalik-loob sa Sitio Traankini, Brgy. Lamlahak, Lake Sebu, South Cotabato, agad na dinala ng tropa sa himpilan ng 5th Special Forces Battalion ang isang team leader ng squad uno ng front operational command mula sa patuloy na humihina at papawasak na Far South Mindanao Region.

Ayon kay Lt. Col. Carlyleo Nagac, Commanding Officer ng 5SFBn, sabay din na ibinaba nil alias Mateo ang kanyang kagamitang pandigma na M16A1 rifle.

Aniya, nais nitong malinis ang kanyang pangalan mula sa pagiging myembro ng hanay ng mga komunistang terorista at upang makaiwas na rin siya sa pagtugis ng mga owtoridad at ang nais na makasama ang kanyang pamilya.



Sinabi naman ni Brigadier General Andre Santos, pinuno ng 1st Mechanized Brigade na welcome development ang pagbalik-loob ng mga lider ng mga komunistang terorista para sa patuloy na pagsugpo ng gobyerno sa insurhensiya.

Itinuturing naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central Commander, Major General Alex S. Rillera na isang tunay na katapangan at tagumpay ang ginawang hakbang ni Alyas Mateo. “Ito ang tunay na katapangan, ang pagwawaksi sa nakagisnang pakikibaka na minsan ay inakala at nalinlang na mabuti ang hangarin. Isa din itong tagumpay, sapagkat matapos ang mahabang panahon ay nagising sya sa katotohanang naging biktima sya ng maling paniniwala. At higit sa lahat, ito’y tagumpay sa pagkakamulat na hindi armadong pakikibaka kundi kapayapaan at pagkakaisa ang sagot sa problema ng masang Pilipino”.

“Handa ang ating pamahalaan na magbigay ng serbisyo, kabilang ang tulong-pinansyal at pangkabuhayan, sa mga kapwa nating Filipino na pipiliing iwanan ang armadong pakikibaka at mamuhay ng mapayapa”, mensahe ni Maj. Gen. Rillera.

https://mindanaodailynews.com/team-leader-ng-komunistang-terorista-nagbalik-loob-sa-south-cotabato/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.