Luz del Mar
Spokesperson
NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army
September 06, 2023
Nakaabot sa kabatiran ng Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan Masbate ang mga naging pahayag ni Monreal, Masbate Mayor Glenda Villahermosa sa pagkamatay ng tatlong kababaihang sibilyan na sina Divina Lubiano Ajitan, Sheryl Dejomo Salazar at Jenlyn Guis Matimtim sa kamay ng militar. Sila ay walang pagtatanging dinamay ng militar sa isang labanan sa pagitan ng AFP-PNP at mga NPA sa Barangay Jagnaan, bayan ng San Jacinto, Masbate noong Agosto 19.
Binibigyang-halaga ng JRC-BHB Masbate ang pakikisimpatiya ng alkalde sa mga biktima bilang isang kapwa babae at ina. May ilang punto lamang na sana’y maunawaan ng mabuting alkalde. Una, mali na isisi ang sinapit ng mga biktima sa kanilang pagtangging sumurender. Pangalawa, hindi sa balangkas ng pagpapasuko matitiyak ng lokal na gubyerno ang kaligtasan ng mga biktima. Pangatlo, hinihikayat namin siyang hindi magpakontrol sa militar at kumilos sang-ayon sa kanyang otoridad bilang sibilyang upisyal.
Hanggang sa huli, ang mga biktima’y hindi sumuko dahil malinaw sa kanila ang pagiging inosente. Wala silang dapat isurender dahil wala silang kasalanan.
Liban pa, mas alam ng mga biktima kaysa sinumang lokal na upisyal na hindi garantiya ng kaligtasan ang pagsurender. Alam nilang walang pinipili ang terorismo ng militar, may kaugnayan man o wala sa rebolusyonaryong kilusan.
Subalit sa halip na ipagtanggol ang kanilang mga karapatan bilang tao at sibilyan, ang lokal na sibilyang gubyerno mismo ang nangunguna sa pagtatak at pagpapasuko sa kanila bilang mga kriminal.
Maaari nating tanungin si Mayor Villahermosa: anong kasalanan nina Ajitan, Salazar at Matimtim at bakit nila kailangang sumurender, gayong malinaw mismo sa alkalde na lehitimong sibilyan ang mga biktima. May kaugnayan man sila o wala sa rebolusyonaryong kilusan, sapat ba itong batayan para tatakan silang kriminal at mahubaran ng karapatang-tao?
Sa katunayan, matiwasay ang pamumuhay ng mga biktima sa lugar subalit itinulak silang mapalayo sa kanilang pamilya’t komunidad dahil sa panggigipit ng militar katuwang ang lokal na gubyerno.
Maaaring ilagay ni Mayor Villahermosa ang sarili sa kalagayan ng mga biktima: ano ang kanyang gagawin kung ang mismong sibilyang gubyerno na inaasahan niyang magtatanggol at maninindigan para sa kanya ang siya mismong nangunguna sa pagtugis sa kanya? Susuko ba siya o ipaglalaban ang kanyang karapatan?
Sa ganitong diwa dapat maisaisip ni Mayor Villahermosa at ng iba pang tulad niyang lingkod-bayan na isa ang kanyang pinagsisilbihang gubyerno sa mga dahilan kung bakit natulak ang mga kababaihang biktima na kumanlong sa NPA para sa kanilang kaligtasan at seguridad. Sa katunayan, maaaring buhay pa ang mga biktima kung noon pa ma’y pinanindigan sila ng lokal na gubyerno.
Ang sinapit ng mga biktima, dahil sa kapabayaan ng lokal na gubyerno ang dahilan kung bakit hindi na kailanman naniniwala ang mamamayan sa kasalukuyang bulok na sistema. Sa halip, naliliwanagan at tinutungo ng mga mamamayan ang demokratikong rebolusyon bilang kanilang natatanging pag-asa at nakikitang solusyon sa dinaranas na pang-aapi at pagsasamantala. Sa katunayan, malamang batid ni Mayor Villahermosa na hindi niya kailanman mapipigilan ang kanyang mamamayan, maging sariling mga kaanak na lumahok sa armadong rebolusyon.
Nauunawaan ng rebolusyonaryong kilusan na karamihan sa mga lokal na gubyerno, tulad ng pinamamahalaan ni Mayor Villahermosa, ay napupwersang maging kasangkapan ng militar sa pagsupil sa mamamayan. Ito ang patunay ng umiiral na batas militar sa prubinsya: ang paglapastangan sa sibilyang otoridad.
Subalit dapat tandaan ni Mayor Villahermosa, sampu ng iba pang tulad niyang lokal na upisyal na sinumang may sinseridad at puso na paglingkuran ang kanyang bayan ay hindi kailanman mawawalan ng kapasidad at kapasyahang ipaglaban ang kanyang mamamayan. Ilan pa ba sa ating mga kababayan ang dapat dumanas ng abuso, kalupitan at mamatay sa kamay ng militar bago tayo kumilos at gumising sa pangangailangang manindigan?
Sa halip na sumuko at magpatangay sa pangigipit ng militar, hinihikayat at hinahamon ng JRC-BHB Masbate si Mayor Villahermosa at iba pang tulad niyang sibilyang upisyal na maging tapat sa mandatong manindigan at ipagtanggol ang kapakanan ng kanyang mamamayan. Bilang babae at ina, dapat tularan ni Mayor Villahermosa at ng iba pang tulad niyang sibilyang upisyal ang tatlong kababaihang minasaker dahil sa kanilang paninindigan. Pinatay silang ipinaglalaban ang tama.
Hindi nauubos ang tiwala ng rebolusyonaryong kilusan sa mga kaibigang kawani at upisyal sa reaksyunaryong gubyerno na sa huli’y pipiliin nilang igiit ang sibilyang otoridad at makiisa sa paglaban sa umiiral na paghaharing militar at teroristang landas ng kanilang punong ehekutibo na si Marcos Jr. Hinihikayat ng JRC – BHB Masbate si Mayor Glenda Villahermosa at iba pang kawani at lokal na upisyal na umugnay sa mga biktima ng abusong militar sa kani-kanilang nasasakupan upang makita ang tunay na larawan ng kanilang lugar.
Naiintindihan namin ang pangamba ng maraming lokal na sibilyang upisyal na kumilos taliwas sa atas ng militar at ng NTF ELCAC. Subalit wala kay Gov. Kho, kay Marcos Jr. at sa sinumang upisyal ng militar ang inyong pananagutan, kundi sa mamamayang may mandato kayong pagsilbihan. Sa katunayan, hinihikayat namin si Mayor Villahermosa na kundenahin ang militarisasyon sa kanyang lugar.
Hindi matatagpuan ang pampulitikang kaligtasan sa pag-iiwas pusoy, paglalaro sa pulitika, pananahimik at pagpapagamit. Bagamat huwad at hungkag ang darating na reaksyunaryong halalang 2025, pagkakataon ito upang ipakita ng mamamayan ang kanilang husga kung sino ang tunay na naglingkod sa kanila. Ito ang dapat tandaan ni.Mayor Villahermosa at iba pang tulad niyang iniipit ng militar at ng NTF-ELCAC.
Sa huli, dapat mabatid ni Mayor Villahermosa at iba pang lingkod-bayan na sa digmang bayan tunay na matatagpuan ng mamamayan, laluna ang mga biktima ng abusong militar, ang kaligtasan, kapayapaan at katarungang dapat nilang matamasa. Dito lamang sila makakalaban.#
https://philippinerevolution.nu/statements/tularan-ang-paninindigan-at-hindi-pagsuko-ng-mga-kababaihang-minasaker-ng-militar-sa-jagnaan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.