Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan-Masbate
NDF-Bicol
National Democratic Front of the Philippines
September 06, 2023
Dapat pag-isipan ni Hon. Glenda L. Villahermosa, munisipal Mayor ng Monreal, Masbate ang kanyang pahayag na imbis na sisihin ang mga sibilyang kababaihan na sina Divina Ajitan Lobiano, Sheryl Dejomo Salazar at Jenlyn Guis Matimtim na idinamay ng 96th IB at PNP sa nangyaring engkwentro sa pagitan nila at NPA sa barangay Jagnaan, San Jacinto ay alamin ang katotohanan sa likod ng pagtatago ng mga biktima.
Batid ng mga militar at pulis na sibilyan ang tatlong kababaihan subalit walang habas itong nagpaputok nang makita ang mga kasapi ng NPA sa Brgy. Jagnaan, San Jacinto na naging sanhi ng pagkapaslang ng mga biktima. Upang pagtakpan ang kanilang krimen, pinalalabas ng militar at pulis na NPA rin ang mga ito.
Sa halip na imbestigahan at sampahan ng kaso ang mga nauulol na militar at pulis sa ginawang pagpaslang sa mga biktima. Tila pinasasalamatan pa ni Villahermosa ang mga pumaslang sa kanyang nasasakupan. Ito ay sa kabila na malinaw na mga residente at botante sa bayan ng Monreal ang mga minasaker ng kaaway.
Hinihikayat namin si Hon. Villahermosa na puntahan o bisitahin at personal na imbestigahan ang kalagayan ng kanyang mga nasasakupan. Tiyak na makikita ng Mayora na makatarungan ang ginawang paninindigan at paglaban ng kanyang mamamayan sa halip na sumuko dahil sa ginagawang paglapastangan ng militar at pulis sa kanilang karapatan at kabuhayan.
Ano ba ang kasalanan nila para sumuko sa gubyerno? Hindi ba dapat ang mga militar at pulis ang litisin at isakdal dahil sa dami ng kanilang pinaslang na mga sibilyan?
Ayon sa nakuhang ulat ng MAKIBAKA, ang tatlo ay mas piniling magtago sa halip na sumuko dahil batid nilang pagkakakitaan lamang sila ng mga militar at pulis. Wala ni isang sentimo na natanggap ang mga sapilitang sumuko sa kabila ng pangako ng gubyerno na makakatanggap ang bawat isa ng tig-65 libong piso dahil ibinulsa lamang ito ng mga upisyal ng militar at pulis. Sa halip, pinipilit sila ng militar at pulis upang pagtaksilan ang kapwa nilang Masbatenyo.
Ginagawang mga giya sa operasyon, intel at CAFGU ang mga sumuko na nagsasapeligro lamang sa buhay ng mga sibilyan. Ang sinumang hindi makipagtulungan ay pinapaslang at pinalalabas na nanlaban at napatay sa isang engkwentro tulad ng sinapit ng mga biktima.
Nananawagan ang MAKIBAKA – Masbate sa mga upisyal ng gubyerno na tunay na naglilingkod sa kapakanan ng kanilang nasasakupan na maging patas. Huwag magpabulag sa kasinungalingan ng mga militar at pulis. Manguna sa pag-iimbestiga at tulungan ang mga kaanak at pamilya ng mga biktima sa pagsampa ng kaso at pagpapanagot sa mga berdugong militar at pulis. Panghawakan at pangibabawin ang inyong sibilyang otoridad at huwag hayaang maging sunud-sunuran at mangibabaw ang mala-batas militar sa prubinsya.
Sa mga kababaihan at sa lahat ng masang Masbatenyo kailangan nating magkaisa, sama-samang kumilos at lahatang-panig na lumaban upang makamit ang tunay na kapayapaan sa ating bayan. Wala tayong makakamit kung hindi tayo kikilos at lumaban. Hindi natin makakamit ang tunay na katarungan at hustisya sa pagsuko ng ating paglaban. Sa kabila, higit lamang na yuyurakan ng militar, pulis at buong makinarya ng reaksyunaryong estado ang ating karapatan. Kaya tayo ng patuloy na makibaka! Suportahan ang armadong paglaban at lumahok sa pakikibaka para sa tunay na katarungan at kapayapaan ng ating bayan.#
https://philippinerevolution.nu/statements/maging-patas-imbestigahan-ang-ginawang-pagdamay-ng-96th-ib-at-pnp-sa-sibilyang-kababaihan-sa-nangyaring-engkwentro-sa-bayan-ng-san-jacinto/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.