Armando Cienfuego
Spokesperson
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army
September 07, 2023
Pulang saludo ang iginagawad ng Melito Glor Command (MGC)-NPA Southern Tagalog kay Isagani “Ka Ringo” Isita, kadreng pamprobinsya, Pulang kumander at rebolusyonaryong martir ng sambayanan. Si Ka Ringo ay namartir sa Barangay Lutucan Malabag, Sariaya, Quezon noong Hulyo 30. Dakila siyang kasama at mapagmahal na ama’t asawa sa kanyang pamilya.
Mariing kinukundena ng MGC ang palabas ng AFP-PNP na “nanlaban” si Ka Ringo sa proseso ng paghahain ng warrant of arrest. Upang bigyang katwiran ang kanilang kasinungalingan, tinamnan ng dalawang baril ang pinangyarihan. Ang totoo, nadakip si Ka Ringo ng 59th IBPA at MIG-4 at walang awang pinagbabaril at saka tinamnan ng dalawang baril. Sa ulat ng lokal na yunit ng NPA, walang baril si Ka Ringo nang matunton ng 59th IBPA sa lugar. May kapansanan din siya sa dalawang kamay kaya’t imposibleng malabanan niya ang di hamak na mas maraming bilang ng pasistang kaaway.
Nabuwal man ang katawan, bigo ang reaksyunaryong estado at AFP-PNP na patigilin ang rebolusyonaryong simulain ni Ka Ringo. Ang paghihinagpis ng bayan sa pagkawala ni Ka Ringo ay itutuon sa rebolusyonaryong galit para bigwasan ang pasistang tropa at teroristang estado.
Si Ka Ringo ay ipinanganak sa isang pamilyang magsasaka sa Barangay Banaba, Padre Garcia, Batangas. Maaga siyang nawalan ng ama kung kaya’t bata pa lamang ay naghahanapbuhay na. Pumasok siya sa iba’t ibang trabaho kagaya ng helper sa talyer, welder, drayber, kubrador, peryante at komite sa basketball. Dito siya namulat sa kahirapan ng buhay at kaapihan sa mga maralita.
Naghanap si Ka Ringo ng solusyon upang makaalpas sa kahirapan. Dito niya natagpuan ang landas ng pambansa demokratikong pakikibaka. Ipinaabot niya sa lansangan ang pang-aapi at pagsasamantala ng naghaharing uri. Kanyang pinag-aralan ang lipunan at inialay ang buong panahong pagkilos sa mamamayan. Pinamunuan niya ang mga pakikibaka at kampanyang masa para sa karapatan at kabuhayan.
Sa harap ng makatarungang pakikibaka sa lansangan, nasaksihan ni Ka Ringo ang panunupil ng reaksyunaryong estado sa mamamayang nagpapahayag ng kanilang karaingan. Higit niyang naunawaan na ang lipunan ay pinamumunuan ng naghaharing pangkating may hawak sa mersenaryong armadong pwersa, korte at gumagawa ng batas pabor sa kanilang makasariling interes. Nakita niyang sa landas ng armadong rebolusyon at sa pagbagsak ng mga naghaharing uri tanging mapapalaya ang buong bayan sa kahirapan. Noong Hulyo, 2010, nagpasya siyang sumapi sa NPA.
Sa loob ng 13 taon ni Ka Ringo sa NPA, nakilala siya ng mga kasama na mapagbiro at masayahin. Mapaggiit siya sa kanyang mga punto, subalit handang makinig sa mga opinyon gaano man ito kaiba sa kanya.
Gumampan siya bilang upisyal sa pulitika sa Hukbong Bayan. Magiliw siya sa masang pinaglilingkuran. Mahusay siyang propaganda-ahitador at tagapagtaguyod ng rebolusyonaryong kultura. Ang kanyang galing sa pagtatalumpati at pagkukultura ay nang-engganyo sa mga kabataang magsasaka at maralita na sumampa sa NPA. Naglingkod din siya bilang doktor ng bayan.
Lumahok siya sa gawaing militar saan mang yunit siya madestino partikular na sa mga hakbang pamamarusa sa mga kaaway sa uri na nangwawasak sa kapaligiran at kabuhayan ng masa at lumalabag sa patakaran ng Demokratikong Gubyernong Bayan. Hitik din ang kanyang karanasan sa mga pormal na pagdinig at pag-aayos ng problema ng masa sa saklaw ng kanilang yunit mula sa mga simpleng problema ng mga siga sa baryo, mga sigalot sa lupa ng mga magsasaka at kasong kriminal tulad ng panggagahasa laban sa mga kababaihan.
Pinatunayan ni Ka Ringo ang kanyang katatagan sa pagrerebolusyon sa iba’t ibang kahirapan at krisis na kinaharap sa pakikibaka. Makailang ulit nang nanganib ang kanyang buhay hanggang sa mapinsala at magkaroon ng kapansanan sa kamay. Subalit hindi niya ito inalintana at nagpatuloy sa pag-aambag sa rebolusyon, anuman ang kanyang kaya. Hindi rin siya nagpatangay sa panlilinlang ng kaaway na sumuko sa gitna ng tindi ng pakikidigma at masalimuot na pagrerebolusyon.
Ang inspirasyon ni Ka Ringo ay habambuhay nang nakaukit sa puso at isipan ng malawak na masa at mga kasama. Bahagi siya ng dakilang demokratikong rebolusyon. Hindi madudungisan ng AFP-PNP ang dalisay na hangarin ng rebolusyonaryong kilusan na palayain ang bayan gaanuman karaming paninira ang ikalat nito sa bansa. Magpapatuloy ang sambayanang Pilipino at ang kasalukuyang henerasyon ng mga rebolusyonaryo sa pagsusulong ng digmang bayan.###
https://philippinerevolution.nu/statements/pulang-saludo-kay-ka-ringo-rebolusyonaryong-martir-ng-sambayanan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.