Sunday, September 10, 2023

Kalinaw News: Former NPA voluntarily surrendered to the government in Lopez, Quezon after six years of struggle

Posted to Kalinaw News Facebook Page (Sep 9, 2023): Former NPA voluntarily surrendered to the government in Lopez, Quezon after six years of struggle

Former NPA voluntarily surrendered to the government in Lopez, Quezon after six years of struggle
Read: https://bit.ly/45BWEc9

#StrongUnitedReliable
#PhilArmy
#ARMY126

·85th Infantry Sandiwa Battalion
·
“Pagbabalik-Loob ng Isang Dating NPA, Malugod na tinanggap ng MTF ELCAC ng Lopez, Quezon”
Sa pangunguna ng Kagalang-galang na Punong Bayan ng Lopez, Quezon na si Mayor Rachel Ubana, kinilala ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-LCAC) kasama ang bawat kasapi nito ang pagbabalik-loob ng dating rebelde na si Alyas Estong/Noben sa tanggapan ng punong bayan ika-6 ng Setyembre taong kasalukuyan.
 
Sa karanasang kanyang ibinahagi, naramdaman niya ang kawalan ng pag-asa sa anim (6) na taon niyang pananatili sa loob ng armadong grupo. Malayo umano sa katotohanan ang inaasahang pangako ng Komunistang NPA. Dumanas din siya ng pangungulila sa pamilya at matinding hirap noong mga panahong sila’y walang humpay na tinutugis ng kasundaluhan sa kabundukan. Sa tuluyang pagkaubos ng kanyang mga kasamahan dahil sa pagkasawi sa labanan, sunod-sunod na pagbabalik-loob ng karamihan, at tuluyang paglikas ng NPA sa lalawigan ay tuluyan nang nabuo ang kanyang desisyon upang magbagong buhay.
 
Malugod naman itong tinanggap ng MTF-ELCAC kasabay ng pagbibigay ng tulong sa ilalim ng programang “Salubong sa Bagong Umaga” ng Lokal na pamahalaan ng nasabing bayan.
Ayon kay Lieutenant Colonel Joel R Jonson, Battalion Commander ng 85IB, hangad ng yunit na mabigyan ng pagkakataon ang mga dating rebelde na magbagong buhay at tuluyan nang mapawi ang bakas ng impluwensya sa bawat mamamayan. Ayon sa kanya nananatiling bukas ang himpilan ng 85IB para sa mga natitirang miyembro ng NPA na nais nang magbagong buhay.
 
Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga na ng kasundaluhan ang nagbalik-loob na personalidad habang inihahanda ang mga kinakailangang dokumento para sa mga benipisyo ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

https://www.facebook.com/kalinawnews/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.