Sunday, September 10, 2023

CPP/NDF-KM-Ilocos: Pag-alala at pagpupugay sa Sta. Lucia 5, mga namartir na mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa isang overkill na operasyon ng 81st Infantry Battalion ng Philippine Army (81st IBPA)

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Sep 7, 2023): Pag-alala at pagpupugay sa Sta. Lucia 5, mga namartir na mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa isang overkill na operasyon ng 81st Infantry Battalion ng Philippine Army (81st IBPA) (Remembrance and tribute to Sta. Lucia 5, martyred fighters of the New People's Army (NPA) in an overkill operation by the 81st Infantry Battalion of the Philippine Army (81st IBPA))
 


Karlo Agbannuag
Spokesperson
Kabataang Makabayan-Ilocos
NDF-Ilocos
National Democratic Front of the Philippines

September 10, 2023

Nitong August 8, ginugunita ang ikatlong anibersaryo ng pagmasaker ng berdugong 81st IBPA ng Philippine Army sa limang pulang mandirigmang sina Pamela Joy “Ka Maymay” Peralta, Marxes “Ka Jiggs” Dazon o Kilala din bilang Samman, Roland “Ka Eugene” Marvil, Edgar “Ka Nardo” Justo, at si Mar “Ka Asyong” Capulas. Sila, ang tinaguriang Sta.Lucia 5, at mga miyembro ng Komiteng Larangang Gerilya – South Ilocos Sur (KLG-SIS) ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) o New People’s Army (NPA).

Pinakamataas na pagpupugay Ang ibinibigay ng Kabataang Makabayan – Ilocos sa Sta. Lucia 5. Ang kanilang sakripisyo, mula nang pagpasyahan nilang humawak ng armas at sumapi sa BHB, sa kanilang tapat na pagsusulong ng armadong pakikibaka, pag-oorganisa sa mga magsasaka at katutubo, at pagsusulong ng rebolusyong agraryo, hanggang sa kanilang pag-aalay ng buhay para sa karapatan at kagalingan ng masang Pilipino, ay hindi matatawaran.

Sila ay naging huwaran sa kanilang pagsisilbi sa masang magsasaka at katutubo mula sa pagtulong sa kanila sa kanilang pang-araw-araw na mga suliranin sa kabuhayan sa bukid, sa patubig, hanggang sa pakikibaka nila laban sa pyudalismo, imperyalismo, at burukrata-kapitalismo.

Kaisa nila ang mga magsasaka at mamamayan na labanan ang mga pahirap na mga polisiya ng rehimeng US-Duterte na walang hiyang inalalako ang bansa sa mga imperyalistang bansa katulad ng US at China. Bilang tunay na hukbo ng mamamayan, ipinagtanggol nila ang taumbayan laban sa armadong pasismo at karahasan ng AFP at PNP sa mga komunidad sa kanayunan.

Overkill o labis-labis at hindi makatarungang dahas ang ginamit ng AFP partikular ng 81st IBPA sa pagpatay sa Sta. Lucia 5. Ang Sta. Lucia 5 noon ay nasa pinangyarihan ng engkwentro upang tulungan ang mga magsasakang umangkop at bumangon mula sa pandemya.

Dahil sa labis-labis na dahas na ito, napilitang mag-evacuate o umalis ang mga pamilya ng mga magsasaka at magsiksikan sa barangay plaza ng Brgy. Parioc sa Candon City, Ilocos Sur. Walang pakundangang nilabag ng 81st IBPA ang mga batas ng digma at mga kasunduan sa karapatang pantao katulad ng Comprehensive Agreement on the Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL). Halimbawa, hinuli nilang buhay si Ka Maymay, at nang tumangging magbigay ng impormasyon ay kanilang pinaslang nang walang kalaban-laban. Dahil din sa walang ingat at bara-barang pamamaril ng 81st IBPA ay may tinamaan at napatay silang lokal na magsasaka. Lahat ng ito ay naganap habang naghihirap ang mamamayang Pilipino upang umangkop sa pandemyang COVID-19.

Dito pa lamang, makikita natin kung sino ang hukbo at gobyernong tunay na nagsisilbi sa mamamayang Pilipino. Ang hukbong tunay na nagsisilbi sa sambayanang Pilipino ay Ang New People’s Army (NPA), at ang gobyernong bayang unti-unting itinatayo sa kanayunan ang pamahalaang tunay na nagsisilbi at nagmamahal sa mamamayan. Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay isang marahas at bayarang hukbo na pumapatay ng mamamayan batay sa utos ng kanilang mapagsamantala at pahirap na among administrasyong Marcos-Duterte. Tanggalin natin ang ating suporta sa AFP at rehimeng Marcos-Duterte at suportahan Ang New People’s Army at ang pambansa-demokratikong rebolusyon!

Ipinapangako ng Kabataang Makabayan – Ilocos na ito ay patuloy na kikilos upang isulong Ang pambansa-demokratikong pakikibaka sa rehiyon bilang ambag nito sa rebolusyon sa buong bansa at mundo.

Magpapatuloy itong magmumulat, mag-oorganisa, at magpapakilos upang magpalakas at magpalawak at lumikom ng suportang teknikal at materyal para sa rebolusyonaryong armadong kilusan. Mapangahas na iigpawan ng Kabataang Makabayan-Ilocos ang mga limitasyon nito at magpapasampa ng laksang kabataan upang sumapi sa Bagong Hukbong Bayan. Kaisa Ang KM-Ilocos sa pagpapanagot sa 81st IBPA at iba pang elemento ng estado at mga kasapakat nito sa pagpapahirap, pagpatay, at pananakot sa sambayanang Ilocano at Pilipino.

Agtutubo nga Ilocano, pagserbian to umili, sumampa it New People’s Army!

https://philippinerevolution.nu/statements/pag-alala-at-pagpupugay-sa-sta-lucia-5-mga-namartir-na-mandirigma-ng-bagong-hukbong-bayan-bhb-sa-isang-overkill-na-operasyon-ng-81st-infantry-battalion-ng-philippine-army-81st-ibpa/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.