Cleo del Mundo
Spokesperson
NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command)
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army
September 16, 2023
Para sa mga kawal ng Armed Forces of the Philippines,
Ang liham na ito ay para sa inyong kawal ng Gobyerno ng Pilipinas. Walang-saysay ang pag-aalay ng inyong buhay sa isang gobyernong nagsisilbi lang sa interes ng iilan at dayuhan. Hindi pa huli ang lahat para hubarin ang marungis na unipormeng pinili ninyong isuot. Marami sa inyong hanay ay nagmula rin sa uring magsasaka at manggagawa na dahil sa hirap ng buhay ay nakipagsapalaran bilang sundalo.
Ngunit ang gobyerno na inyong pinagsisilbihan ay tinuruan kayo na maging berdugo at uhaw-sa-dugong mamamatay-tao. Ginagamit nila kayo bilang mga utusan sa walang kapararakang gera laban sa mamamayan, na naghahangad din ng maayos na pamumuhay at inyo ring mga kapatid at kauri.
Isinusubo sa inyo ang oryentasyon na maging marahas at kilalaning mali ang hinaing at pakikibaka ng sambayanan para sa lupa, sahod, trabaho, karapatan at kalayaan ng bayan. Biktima kayo ng isang gobyerno na naglilingkod sa interes ng dayuhan at iilan. Nabubuhay kayo sa araw-araw na may piring ang mata at maling paniniwalang isang anyo ng terorismo ang makibaka para sa kalayaan at demokrasya.
Dapat ninyong malaman na ang imperyalismong US ang nagtatag sa organisasyon ninyong Armed Forces of the Philippines upang tiyaking kontrolado nila ang armadong pwersa ng papet na Gobyerno ng Republika ng Pilipinas (GPH). Maitim na balak nitong gamitin ang Pilipinas para sa pagpapanatili ng kanyang hegemonya sa Asya Pasipiko at daigdig. Dahil dito, mahigpit ang kontrol ng US mula sa nilalaman ng kolonyal, anti-mamamayan at pasistang oryentasyon ng inyong pagsasanay militar hanggang sa mga aktwal na operational plan (OPLAN) na ipinapagawa sa inyo. Sinusuhulan kayo ng mga kagamitang militar na karaniwang mga pinaglumaan na. Sa isang banda, malayang nakakalabas-masok ang mga pwersang militar ng US sa ating teritoryo kaalinsabay ng pandarambong sa ating likas na yaman. Sila ang hari sa mga base-militar na kanilang inookupa dahil hindi sila saklaw ng batas ng GPH. Tahasang paglabag ang mga ito sa soberanya at patrimonya ng bansa.
Lahat ng mga nabanggit ay binasbasan ng inyong kasalukuyang commander-in-chief – ni Bongbong Marcos – isang papet, mandarambong at ilehitimong pangulo na mas inuuna pa ang pamamasyal kaysa pamamahala, isang pangulo na minana ang paggamit ng kamay-na-bakal at ang hindi bababa sa sampung bilyong dolyar ($10B) na ninakaw ng kanyang amang diktador.
Kung ang pinuno ay haling, ang mga basalyos pa ba ang gumaling? Yan ang magpapaliwanag kung bakit laganap ang nakaugaliang korapsyon sa AFP na pinangungunahan ng inyong matataas na opisyal.
Magbubulag-bulagan pa ba kayo sa pagtatakip ng inyong mga heneral sa mga katiwaliang kinasasangkutan nila? Sila ang pasimuno na gawing palabigasan ang mamamayan sa ngalan ng inyong kampanyang pagpapasuko. Huwag kayong pumayag na masangkot at palampasin ang mga katiwaliang ito, isang kasalanan sa sinumpaang tungkulin sa Inang Bayan ang hindi kumibo at magsawalang-bahala.
Habang kayo ay ipinambabala sa kanyon, naglalamyerda at nagpapakabundat ang inyong mga heneral gamit ang pondo ng bayan. Naghihinagpis at nangangamba ang inyong pamilya sa bawat ninyong pag-alis habang nakikinabang sa salapi at medalya mula sa inyong dugo at pawis ang mga heneral at opisyal.
Ito ba ang mga pinuno sa isang institusyon na magtatanggol sa soberanya at teritoryo ng bansa?
Hindi pa huli ang lahat, malaya kayong tumiwalag at lisanin ang inyong propesyon. Alam namin na marami pa sa inyo ang tunay na nagmamahal sa Inang Bayan. Isang tunay na kawal na handang pumanig sa inaaping mamamayan. Sa harap ng lumalalang krisis sa bansa, higit nilang kailangan ang inyong serbisyo.
Tinatawagan namin kayong iwaksi ang papet, kolonyal, pasista, anti-mamamayan at elitistang organisasyon ng AFP-PNP. Kabaliktaran, dapat ninyong tanganan at ipagpatuloy ang hindi pa natatapos na pambansa-demokratikong pakikibaka ng ating mga ninunong sina Gat. Andres Bonifacio. Ipinaglaban ng mga ito ang kalayaan ng bayan sa dayuhang mananakop at ang demokratikong karapatan ng sambayanang Pilipino. Tulad ni Bonifacio at ng KKK, dapat ninyong taglayin ang diwa ni General Antonio Luna na lumaban para sa kalayaan ng bayan hanggang sa kanyang huling hininga. Sa kabilang panig, dapat na labanan at iwaksi ninyo ang mga kauri nina Aguinaldo noon na kinakatawan ngayon ng mga Marcos at Duterte at kanilang mga alipures na sa ngalan ng salapi at kapangyarihan ay ipinagkanulo ang kalayaan at demokrasya ng inang bayan.
Sa diwa ng di natapos na rebolusyon nina Andres Bonifacio, ipinagpapatuloy ng New People’s Army (NPA) ang pakikibaka upang ibagsak ang imperyalismong US, pyudalismo at burukrata-kapitalismo at kamtin ang tunay na pambansang kalayaan at demokrasya. Tinatawagan namin ang lahat ng mga tunay na Pilipinong nagmamahal sa kapakanan at interes ng sambayanang Pilipino, kabilang na kayo na suportahan at itaguyod ang pakikibakang ito hanggang sa tagumpay.
Tularan si Lt. Crispin Tagamolila na noong hindi na masikmura ang brutal na diktadura ng matandang Marcos ay tumiwalag at sumapi sa NPA upang tunay na maglingkod sa mamamayan. Namartir siyang nasa panig ng mamamayan at lumalalaban para sa tunay na kalayaan.
Laging bukas ang Partido Komunista ng Pilipinas, Bagong Hukbong Bayan at rebolusyonaryong mamamayan sa lalawigan na makatuwang ang mga namumulat na sundalo ng AFP-PNP sa pagpapalaya ng ating bayang sinilangan sa dayuhang kontrol at pasismo.
Ang Bagong Hukbong Bayan ang tunay na hukbo ng sambayanang Pilipino. Ang magrebolusyon kapiling ang mamamayan ang paglilingkod na may katuturan at maghahawan ng landas sa ganap na paglaya, katarungan, kaunlaran at kasaganaan.
Sa ngalan ng Hukbong tunay na naglilingkod sa sambayanan,
https://philippinerevolution.nu/statements/bukas-na-liham-ng-bhb-quezon-sa-mga-kawal-ng-afp/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.