Luz del Mar
Spokesperson
NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army
September 11, 2023
Hindi na kagulat-gulat para sa mga Masbatenyo ang nadiskubreng mga kolorum na operasyon ng Kho Shipping Lines, isa sa mga negosyong pag-aari ng dinastiyang Kho sa prubinsya. Ayon sa balita, karamihan sa mga barko’y sinuspinde ang operasyon dahil hindi rehistrado. Ibig sabihin, iligal na nag-oopereyt.
Malamang ay may mga maaari pang masilip sa likod ng mga kolorum na barko ng Kho Shipping Lines. Ayon sa mga impormasyong nakalap ng rebolusyonaryong kilusan mula sa mga kaibigang pulitiko, pampublikong pondo ang dinispalko ng mga Kho para sa puhunan at arawang operasyon ng naturang negosyong pagbabarko.
Mula sa pagiging kaibigan at simpatisador ng masang magsasaka, nilantad ng pamilyang Kho ang sarili bilang tahasang gahaman, sindikato at panginoong maylupang burukrata. Liban sa kolorum na operasyon ng Kho Shipping Lines, aktibo rin ang mga Kho sa pag-agaw ng lupa mula sa mga magsasaka, tampok ang pagpapalayas sa mga magsasaka ng rantsong Pecson sa bayan ng Cawayan. Pakay niyang palawakin ang kanyang interes sa rantso, mina at ekoturismo.
Hindi rin lingid sa kaalaman ng publiko ang natanggap niyang suhol para pahintulutan ang ekspansyon ng Filminera. Ayon pa sa ilang mga impormasyon, ibinigay ni Marcos Jr. kay Gov. Kho ang kontrol sa ilang malalaking pasugalan sa Bicol.
Unti-unti nang nahihiwalay ang dinastiyang Kho sa mga Masbatenyo dahil sa lantaran nitong paggamit sa kapangyarihan para itulak ang burukrata kapitalistang interes. Para makapanatili sa poder lalo niyang binubusog ang militar at pulis sa prubinsya para magsagawa ng terorismo at pandarahas sa mga komunidad at panggigipit sa mga kalaban sa pulitika.
Isang munting payo ng rebolusyonaryong kilusan sa dinastiyang Kho: may pagkakataon pa itong isalba ang pampulitikang reputasyon kung babalik sa pagiging kaibigan ng masang magsasaka. Kung hindi, hinihikayat namin siyang sariwain ang kinahinatnan ng mga malalaking rantsero tulad ng pamilyang Espinosa na unti-unti nang nahihigop sa kumunoy ng pampulitikang kainutilan matapos pahinain ng masang magsasaka ang kanilang impluwensya sa prubinsya.
Hindi rin magdadalawang-isip ang amo ng mga Kho na si Bongbong Marcos na ilaglag ang suporta sa mga Kho kung tuluyan silang aalingasaw sa publiko.
Nananatiling bukas ang rebolusyonaryong kilusan sa kooperasyon sa pamilyang Kho sakaling mahimasmasan ang huli sa katotohanan at maisipang bawiin ang mga kasalanan nito sa mga Masbatenyo.
Higit sa lahat, dapat balik-aralan ng mga Kho ang kasaysayan ng Masbate: sinumang magmaliit o bumangga sa kilusang magsasaka at kanilang armadong kilusan ay tiyak na pampulitikang pagtitiwakal.#

https://philippinerevolution.nu/statements/paalala-para-sa-pamilyang-kho-kung-gaano-katayog-ang-naabot-siya-ring-tarik-ng-pagbagsak/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.