Saturday, September 16, 2023

CPP/NPA-Masbate: Haras ilinunsad ng Milisyang Bayan sa syudad ng Masbate

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Sep 10, 2023): Haras ilinunsad ng Milisyang Bayan sa syudad ng Masbate (Harassment launched by the People's Militia in Masbate City)

 

Luz del Mar
Spokesperson
NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army

September 10, 2023

Binabati ng Jose Rapsing Command – NPA Masbate ang matagumpay na haras na ilinunsad ng isang yunit ng milisyang bayan noong Setyembre 3, alas-7 ng gabi sa Sityo Kampoon, Brgy. Batuan, Masbate City. Tatlo ang sugatan sa mga pulis na nagtatago lang sa masukal na bahagi ng naturang lugar.

Matagal ng ginagalugad ng mga militar at pulis ang mga barangay sa syudad. Karamihan dito ay isinailalim sa Retooled Community Support Program. Labis na perwisyo ang idinulot nito sa mapayapang paghahanap-buhay ng mga magsasaka at taumbaryo.

Ang kapangahasan ng yunit milisya upang ipatupad ang atas na bigwasan ang kaaway ay pagpapamalas sa matindi nitong galit. Walang katakut-takot nitong hinaras ang mga bahag ang buntot na mga pulis.

Pinagpupugayan din ng JRC – BHB Masbate ang iba pang kasapi ng yunit milisya na lumahok sa mga ilinunsad na taktikal na opensiba ng BHB Masbate ngayong taon. Patunay ito na handa sa ibayong pagsigla ang pakikidigmang gerilya ng masang Masbatenyo.

Bilang mga bahagi ng Hukbo, napakahalaga ng gampanin ng mga milisyang bayan laluna sa kasalukuyang sitwasyon.

Kabisado ng mga milisya ang pasikot-sikot ng kanilang mga lugar at eryang kinikilusan. Malaking bentahe ito na mabigwasan ang kaaway nang walang kamalay-malay. Ang kanilang kakayahang maglunsad ng mga atritibong aksyon tulad ng operasyong isnayp, haras at demolisyon ay malaking tulong para bigwasan at masira ang plano ng kaaway para sa mas matagalang operasyon.

Malaking tulong sa Bagong Hukbong Bayan at masa ang ambag ng mga milisyang bayan sa pagsusulong ng armadong pakikibaka sa prubinsya. Ang mga milisya ang katuwang ng BHB upang panagutin ang mga abusadong militar at pulis na umaabuso at lumalabag sa karapatang-tao ng masang Masbatenyo. Ganun din, upang bigyang-hustisya ang mga biktima na binabalewala lang ng rehimeng Marcos Jr ang mga panawagan at sigaw para sa katarungan, kabuhayan at serbisyong pangkagalingan. Sila ang pangunahing kaagapay ng BHB upang ipagtanggol ang kabuhayan at buhay ng masa.

Ang mga milisyang bayan ang katuwang ng Bagong Hukbong Bayan upang tiyaking mapangalagaan ang kaligtasan at seguridad ng taumbaryo. Kumikilos sila upang labanan ang armadong pwersa ng kaaway sa uri sa kani-kanilang mga lugar at eryang saklaw. Sila rin ang balon ng karagdagang pwersa para sa mga pultaym na yunit ng pulang Hukbo.

Nawa ay magsilbi ang matagumpay na haras na ito bilang dagdag-inspirasyon sa mga kasapi ng milisyang bayan na nasadlak sa takot at natulak na manlamig sa pagkilos. Hindi biro ang naging pagpuntirya ng kaaway sa malalim na balon ng milisya sa prubinsya. Subalit ipinapakita ng matagumpay na haras na ito na nasa armadong paglaban matatagpuan ang kaligtasan at katarungan.

Hinihikayat ng pamprubinsyang kumand ang mga kasapi ng milisyang bayan na higit pang palakasin ang kanilang hanay. Tuparin ang kanilang tungkulin para pangalagaan ang kaligtasang ng kanilang mga kababaryo at lugar sa pamamagitan ng pagbubuo ng depensa at paglunsad ng mga taktikal na opensiba. Palaging tandaan na hindi natin makakamit ang tunay na katarungan at kapayapaan sa pagsuko o pagtalikod sa tungkulin. Harapin ang takot sa pamamagitan ng paggapi sa kaaway.

Nananawagan rin ang JRC – NPA Masbate sa lahat ng may malulusog na pag-iisip at pangangatawan at walang masamang gawi, handang tumupad sa mga tungkulin at sumunod sa mga patakaran at alituntunin ng Hukbo na mag-ambag ng lakas, husay at talino sa pagsusulong ng armadong pakikibaka. Hinihintay kayo ng masa upang ipagtanggol at pangalagaan ang kanilang kabuhayan at buhay.

Sa ating pagkakaisa, matitipon natin ang di matatalong lakas at kapanyarihan ng mamamayan na magpapabagsak sa mga mapagsamantala at mapang-aping uri sa lipunan. Sa pamamagitan ng kanilang pulang Hukbo at mga milisyang bayan tiyak na may mabisang armas ang mamamayan upang isulong ang armadong paglaban hanggang sa tagumpay.#

https://philippinerevolution.nu/statements/haras-ilinunsad-ng-milisyang-bayan-sa-syudad-ng-masbate/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.