Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Masbate
NDF-Masbate
National Democratic Front of the Philippines
September 10, 2023
Pinatay ng mga elemento ng militar ang magsasakang si Naldo Canama sa So. Angkay, Brgy. Tubog sa bayan ng Cawayan noong Setyembre 7. Lulan ng motorsiklo ang tatlong armadong elementong bumaril-patay kay Canama.
Si Canama ang ika – 19 na naidokumentong biktima ng pampulitikang pamamaslang sa prubinsya sa ilalim ng rehimeng Marcos Jr.
Nagkakamali ang AFP – PNP – CAFGU kung iisiping magtatagumpay sila na ilugmok sa takot kaming mga masang Masbatenyo. Sa halip, lalo lamang nila kaming itinutulak sa sukdulan at dinadagdagan ang batayan para magrebolusyon at armadong lumaban.
Kaya naman, nananawagan ang PKM – Masbate sa mga may konsensya pang elemento ng AFP-PNP-CAFGU na tumiwalag na sa bulok na institusyong inyong pinaglilingkuran bago pa mahuli ang lahat. Isipin niyo ang inyong mga magulang, asawa o anak sa bawat inosenteng magsasakang inyong pinapatay. Kung hindi niyo na kayang maatim na pakainin sila sa katas ng inyong kahayupan, may panahon pa para tumigil sa inyong mga berdugong gawi.
Sa mga pinakakriminal sa inyong hanay, tiyak na may mananagot, panahon lang ang hinihintay. Ni hindi na kailangang habulin pa ng aming New People’s Army ang mga berdugong ito, saanma’y bulnerable silang target ng mga taktikal na opensiba ng Hukbo.
Malaki ang tiwala ng mga magsasaka na kanilang makakasama ang New People’s Army sa laban para sa hustisya. Kaugnay nito, nananawagan ang PKM – Masbate sa mga magsasakang Masbatenyo na lumahok sa digmang bayan upang makamit ang tunay na katarungan.#
https://philippinerevolution.nu/statements/tiyak-na-pagbabayaran-ng-afp-pnp-cafgu-ang-mga-krimen-nito-ng-pagpatay-sa-masang-masbatenyo/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.