Carlito Cada
Spokesperson
NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army
August 28, 2023
August 16, 2023 | Mulat at buo ang kapasyahang lumaban ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa probinsya ng Camarines Norte. Handa nitong paulit-ulit na biguin ang anumang atake ng mga berdugong militar ng reaksyonaryong gobyerno. Upang tupdin ang ultimong layunin nito na ipagtanggol ang rebolusyonaryong interes at karapatan ng masang api at pinagsasamantalahan.
Sa matibay at matatag na pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas, patuloy itong umaani ng matatag na suporta mula sa malawak na masa. Nagsusulong ito ng rebolusyong agraryo para tugunan ang hinaing ng nakararaming magsasaka, binibigkis ang pagkakaisa ng mamamayan sa kanayunan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga saligang organisasyong masa at naglulunsad ng armadong pakikibaka upang ipagtanggol ang mamamayan sa pang-aabuso ng mga militar, pulis, para-militar at iba pang grupo o indibidwal na nang-aapi at nagsasamantala sa mamamayan.
Noon pa man ay pinatunayan na ng BHB sa Camarines Norte na kahit ano pa ang gawing panlilinlang ng reaksyonaryong estado ay tiyak itong mabibigo. Kahit pa nga ang malawakang kampanya ng pagpapasurender ng dating rehimeng US-Duterte ay bigo itong naipatupad sa probinsya. Wala kahit ni isang kasapi ng BHB ang sumuko o nagpagamit sa mga pasistang kaaway. Bagkus mga malalaking tagumpay na taktikal na opensiba ang itinugon dito ng ACC.
Ito ay dahil sa mahigpit na pagtangan sa mga prinsipyo, disiplina at patakaran ng Partido sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na mga pag-aaral at pagtataas ng pang-ideolohiya, pampulitika at pang-organisasyong kamulatan. Ito ang laging tinitiyak ng komite ng Partido. Malinaw sa mga Pulang mandirigma at Pulang kumander ang susing tanong na “para kanino” ang pagsasakripisyo at pagbubuwis ng buhay kung kinakailangan.
Ipinapaabot ng ACC-BHB-CN sa rehimeng US-Marcos II at sa utusan nitong AFP-PNP-CAFGU na nag-aaksaya lamang sila ng panahon sa pag-aakalang malilinlang ng kanilang programang amnestiya ang mga kasapi ng BHB at ng buong rebolusyonaryong kilusan.
Mahigpit ang hawak sa baril ng bawat pulang mandirigma at kumander ng BHB. At laging handang asintahin ang target na kaaway ng taumbayan.
https://philippinerevolution.nu/statements/walang-yunit-ng-npa-sa-camarines-norte-ang-tatanggap-sa-alok-na-amnestiya-ni-marcos-jr-carlito-cada/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.