Wednesday, August 30, 2023

CPP/NPA-Camarines Norte: Palpak na serbisyo ng Prime Water sa Camarines Norte, ikinagalit ng mga consumers nito

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Aug 23, 2023): Palpak na serbisyo ng Prime Water sa Camarines Norte, ikinagalit ng mga consumers nito (Prime Water's sloppy service in Camarines Norte, angered its consumers)
 


Carlito Cada
Spokesperson
NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command)

August 23, 2023

Labis na ikinadismaya ng mga consumers ng Prime Water sa Camarines Norte ang palpak nitong serbisyo sa tubig. Higit dalawang linggo na kasing hindi maayos ang daloy ng tubig sa mga bayan ng Mercedes, Vinzons, Daet at iba pang lugar na abot ng serbisyo nito.

Ang Prime Water Infrastructure Corporation ay isang pribadong kumpanya na pag-aari ng burgesya komprador na pamilyang Villar. Na sa kasalukuyan ay umaabot na sa lagpas 100 local water district sa buong bansa ang napasakamay nito sa pamamagitan ng joint venture agreement.

Ayon kay dating chairman ng Camarines Norte-Water District (CNWD) na si Atty. Doming Ferrer, naobliga silang pumasok sa kasunduang Joint Venture Agreement (JVA) sa pagitan ng WD at Prime Water noong bahagi ng 2014. Dahil sa wala umanong sapat na pondo ang CNWD para sa pagpapaunlad ng serbisyo nito. Dagdag pang naging dahilan ang lumalaki nitong utang na umaabot sa ₱300-₱400 milyon. Bunsod na rin ng kakulungan ng atensyon ng lokal na pamahalaan sa paglalaan ng pondo upang mapabuti at mapaunlad ang serbisyo nito.

Ayon sa pinirmahang kontrata sa JVA, sa loob ng 25 taon ang Prime Water ang mamamahala sa serbisyo ng tubig. Kasama na rito ang maintenance, rehabilitasyon, pangungulekta ng buwis at pagbayad sa milyong utang ng CNWD. Bunsod nito, maraming empleyado ng CNWD ang nawalan ng trabaho na halos 12 empleyado na lamang ang natira na tagapagmonitor na lamang ang tanging trabaho.

Samantala, hindi lang sa probinsya ng Camarines Norte palpak ang serbisyo ng Prime Water sa Bicol. Dahil nito lamang mga nakaraang buwan sa probinsya ng Sorsogon ay pinutakte ito ng pambabatikos ng mga netizens sa social media dahil sa putol-putol nitong serbisyo at maduming tubig na lumalabas sa mga gripo.

Dapat lamang na igiit sa pribadong kumpanya na Prime Water na ibigay nila ang makatarungang serbisyo sa kanilang consumers, kapalit ng ibinibigay nitong mataas na singil sa tubig. Huwag gawing negosyo at pagkakitaan.

Gayun din, dapat igiit sa lokal na pamahalaan ng probinsya ang pagbaklas sa kasunduang JVA sa pagitan ng pribadong kumpanya na Prime Water dahil sa palpak na serbisyo at mataas na singil sa tubig. “Ang tubig ay buhay” na dapat ay libreng ibinibigay sa mamamayan.

https://philippinerevolution.nu/statements/palpak-na-serbisyo-ng-prime-water-sa-camarines-norte-ikinagalit-ng-mga-consumers-nito/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.