NPA-Aurora (Domingo Erlano Command)
Central Luzon Regional Operational Command
New People's Army
August 26, 2023
Ipinamalas ng 91st IB ang pagiging mersenaryong Hukbo sa magkasunod na labanan sa probinsya ng Aurora noong Hunyo 3 at Hunyo 9.
Naglulubid ng kasinungalingan ang 91st IB para pagtakpan ang paghuhuramentado ng mga tropa nito dahil sa dalawang pagkakataon na na-isnayp sila ng NPA at nagtamo ng mga kaswalti. Sa parehong insidente ay walang patumanggang nagpaputok at nagpasabog ang mga sundalo kahit walang target. Para bigyan katwiran ang nilustay nilang bala, nagpalabas sila ng pahayag ng mga pekeng engkwentro. Masahol pa, itinago nila ang mga sundalong Killed in Action at ipinagkait sa kanila at sa kanilang pamilya ang karampatang pagkilala.
Tiyak at presiso ang bawat balang pinakawalan ng NPA. Nagpapakita ito ng mataas na disiplina sa kondukta ng gera. Siguradong dalawang sundalo ng 91st IB na tumatawid sa ilog ang patay sa isnayping ng NPA noong Hunyo 3 sa Barangay Punglo, Maria Aurora, Aurora. Tiyak na tiyak din ang mga operatiba ng NPA na tatlong sundalo ng 91st IB ang kanilang naasinta at napatay noong Hunyo 9 sa Barangay Detike, San Luis Aurora. Walang kaswalti sa panig ng NPA sa naturang mga labanan.
Samantala, pitong bangkay ng mga sundalo ang iniulat ng mga masa na nakita nilang inilabas sa erya ng pinaglabanan noong Hunyo 9. Sa ulat ng mga kasamang napalaban, malaking porsyento na bala mismo ng army ang nakapatay sa kapwa nila sundalo. Umaasolt ang tropa nila ng maisnayp ng NPA na kagyat namang binugsuan ng putok ng tropa ng AFP kahit alam nilang malaki ang tsansa na matamaan ang sarili nilang tauhan.
Sa pelikula lamang mapapanood ang pagkakapatiran sa AFP. Sa totoong buhay, punong puno nito ng karahasan at gulangan simula pa lamang sa pagpapalista, treyning, pasweldo, promosyon at maging sa larangan ng labanan. Walang kwenta sa mga opisyal ng AFP kung may mapatay, masugatan o madisgrasya man sa kanilang tauhan na kalakhan ay anak ng mga magsasaka. Para sa AFP, madali lang magpalit ng sahuran na sundalo sa dami ng mga kabataang walang trabaho at pamilyang Pilipino na sadlak sa matinding kahirapan at kagutuman.
Nananawagan ang NPA-Aurora sa mga karaniwang sundalo at patriyotikong opisyal ng 91st IB na paimbistigahan ang katiwalian at pagtatakip sa katotohanan sa insidente noong Hunyo 3 at Hunyo 9. Sa panig ng NPA, ang mga karaniwang kawal, lalo na ang mga galing sa uring magsasaka na wala sa akto ng aktwal na labanan ay itinuturing nitong mga elementong dapat kabigin para maglingkod sa masa at hindi sa pasistang estado. Gayunman, ang sinumang ahente at tauhan ng AFP na aktibo sa kontra-mamamayan at kontra-rebolusyunaryong aktibidad ay tiyak na pananagutin ng rebolusyunaryong kilusan at ng rebolusyunaryong mamamayan.
https://philippinerevolution.nu/statements/91st-ib-mersenaryong-hukbo/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.